Zefanias 2:1-3
Zefanias 2:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magtipun-tipon kayo at magpulong, bansang walang-hiya! Bago kayo ipadpad na gaya ng ipang tinatangay ng hangin, bago ninyo lasapin ang matinding galit ni Yahweh, bago dumating sa inyo ang araw ng kanyang poot. Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbabá, kayong sumusunod sa kanyang kautusan. Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbabá kay Yahweh, baka sakaling kayo'y makaligtas sa parusa sa araw na iyon!
Zefanias 2:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Magtipon kayo at magsama-sama, kayong mga bansang walang kahihiyan, bago dumating ang itinakdang araw na kayoʼy palalayasin at ipapadpad na parang mga ipa. Magsisi na kayo bago dumating ang araw ng pagbuhos ng PANGINOON ng kanyang matinding poot. Kayo namang mga mapagpakumbaba at sumusunod sa mga utos ng PANGINOON, hanapin ninyo siya. Ipagpatuloy ninyong itaguyod ang katuwiran at pagpapakumbaba. Baka sakaling ingatan kayo ng PANGINOON sa araw na ibuhos niya ang kanyang galit.
Zefanias 2:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Kayo'y magpipisan, oo, magpipisan, Oh bansang walang kahihiyan; Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon. Hanapin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon.
Zefanias 2:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magtipun-tipon kayo at magpulong, bansang walang-hiya! Bago kayo ipadpad na gaya ng ipang tinatangay ng hangin, bago ninyo lasapin ang matinding galit ni Yahweh, bago dumating sa inyo ang araw ng kanyang poot. Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbabá, kayong sumusunod sa kanyang kautusan. Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbabá kay Yahweh, baka sakaling kayo'y makaligtas sa parusa sa araw na iyon!
Zefanias 2:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)