Zacarias 4:6-10 - Compare All Versions
Zacarias 4:6-10 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu. Maging ang pinakamalaking hadlang ay makikita ninyong maaalis. Muli mong itatayo ang templo at habang inilalagay mo ang kahuli-hulihang bato, magbubunyi ang mga tao at kanilang sasabihin, ‘Napakaganda!’” Sinabi muli sa akin ni Yahweh, “Si Zerubabel ang naglagay ng pundasyon sa templong ito at siya rin ang tatapos. Kapag ito'y natapos na, mapapatunayan ng lahat na ikaw ang aking isinugo. Nag-aalala sila ngayon dahil sa mabagal na pagkayari ng templo. Ngunit matutuwa sila kapag nakita nilang ito'y pinapamahalaan na ni Zerubabel.”
Zacarias 4:6-10 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kaya sinabi niya sa akin, “Ito ang sasabihin mo kay Zerubabel mula sa PANGINOON: ‘Hindi sa pamamagitan ng lakas o kakayahan ng tao kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu,’ sabi ng PANGINOON ng mga Hukbo. “Kahit kasinlaki pa ng bundok ang hadlang na iyong haharapin, Zerubabel, magiging patag ito. At kapag ilalatag mo ang kahuli-hulihang bato, magsisigawan ang mga tao na magsasabi, ‘PANGINOON, pagpalain nʼyo nawa ito.’” Pagkatapos, sinabi sa akin ng PANGINOON: Si Zerubabel ang siyang nagtayo ng pundasyon ng Templo at siya rin ang tatapos nito. At dahil dito, malalaman ninyong ang PANGINOON ng mga Hukbo ang nagsugo sa akin. May mga taong kumukutya dahil kakaunti pa lamang ang nagagawa sa pagpapatayo ng templo. Pero matutuwa sila kapag nakita na nilang inilalagay ni Zerubabel ang pinakahuli at natatanging bato sa templo. Pagkatapos, sinabi sa akin ng anghel, “Ang pitong ilawang iyan ay ang mata ng PANGINOON na nagmamasid sa buong mundo.”
Zacarias 4:6-10 TLAB (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Sino ka, Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya. Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. Sapagka't sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa.
Zacarias 4:6-10 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu. Maging ang pinakamalaking hadlang ay makikita ninyong maaalis. Muli mong itatayo ang templo at habang inilalagay mo ang kahuli-hulihang bato, magbubunyi ang mga tao at kanilang sasabihin, ‘Napakaganda!’” Sinabi muli sa akin ni Yahweh, “Si Zerubabel ang naglagay ng pundasyon sa templong ito at siya rin ang tatapos. Kapag ito'y natapos na, mapapatunayan ng lahat na ikaw ang aking isinugo. Nag-aalala sila ngayon dahil sa mabagal na pagkayari ng templo. Ngunit matutuwa sila kapag nakita nilang ito'y pinapamahalaan na ni Zerubabel.”
Zacarias 4:6-10 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))