Zacarias 3:7
Zacarias 3:7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang ipinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Kung lalakad ka sa aking mga landas at susundin mo ang aking mga utos, pamamahalain kita sa aking templo at sa buong paligid nito. Bukod dito, diringgin ko ang mga dalangin mo tulad ng pagdinig ko sa dalangin ng mga anghel na ito.
Zacarias 3:7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
ng PANGINOON ng mga Hukbo: “Kung susunod ka sa akin at gagawin ang aking mga iniuutos, ikaw ang mamamahala sa aking templo at sa mga bakuran nito. At papayagan kitang lumapit sa aking harapan kasama ng mga nakatayo rito.
Zacarias 3:7 Ang Biblia (TLAB)
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap.
Zacarias 3:7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang ipinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Kung lalakad ka sa aking mga landas at susundin mo ang aking mga utos, pamamahalain kita sa aking templo at sa buong paligid nito. Bukod dito, diringgin ko ang mga dalangin mo tulad ng pagdinig ko sa dalangin ng mga anghel na ito.
Zacarias 3:7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)