Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Zacarias 1:7-21

Zacarias 1:7-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Noong ikadalawampu't apat na araw ng ikalabing isang buwan ng ikalawang taon ng pamamahala ni Haring Dario, nagpahayag si Yahweh kay Propeta Zacarias. Ganito ang salaysay ni Zacarias tungkol sa pangyayari, “Kagabi, nagkaroon ako ng pangitain. May nakita akong isang lalaking nakasakay sa kabayong pula. At siya'y huminto sa kalagitnaan ng mga punong mirto sa isang libis. Sa likuran niya ay may mga nakasakay rin sa kabayong pula, sa kabayong puti at sa kabayong batik-batik. Kaya't itinanong ko sa anghel ni Yahweh na nasa tabi ng mirto kung ano ang kahulugan niyon.” Ang sagot niya, “Halika't ipapaliwanag ko sa iyo. Ang mga ito ay isinugo ni Yahweh upang magmanman sa buong daigdig.” Sinabi ng mga tinutukoy ng anghel ni Yahweh, “Natingnan na po namin ang kalagayan ng buong daigdig; payapa po ang lahat.” Nang magkagayon, sinabi ng anghel, “Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, hanggang kailan mo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang mga lunsod ng Juda? Pitumpung taon na po silang nagtitiis.” May sinabi si Yahweh sa anghel na kausap ko, mga salitang nakakaaliw at makapagpapalakas ng loob. Pagkatapos, sinabi naman sa akin ng anghel, “Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Labis ang aking pagmamalasakit sa Jerusalem at sa Zion. At malaki ang galit ko sa mga bansang palalo pagkat labis na ang pahirap nilang ginawa. Kukupkupin kong muli ang Jerusalem at ang aking templo ay muling itatayo. Ibabalik ang dating sukat at kaayusan nito. Muling sasagana ang aking mga lunsod. Ang Zion ay muli kong papatnubayan at hihirangin ang Jerusalem.” Ako'y tumingin at may nakita akong apat na sungay. Tinanong ko ang anghel na kausap ko, “Ano ang kahulugan nito?” Ang sagot niya sa akin, “Iyan ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem.” Pagkatapos, apat na panday ang ipinakita ni Yahweh sa akin. Itinanong ko, “Ano ang gagawin nila?” Sumagot siya, “Ang Juda ay lubusang winasak ng mga sungay na nakita mo, anupa't walang makalaban sa kanila. Ipinadala ko ang mga panday na ito upang siyang humarap sa apat na sungay; babaliin nila ang lahat ng sungay na ginamit laban sa Juda.”

Zacarias 1:7-21 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Sa ikadalawampuʼt apat na araw ng ikalabing-isang buwan, ang buwan ng Shebat, noong ikalawang taon ng paghahari ni Dario, nagpahayag ang PANGINOON kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido. Isang gabi, nakita ko ang isang lalaking nakasakay sa kabayong kulay pula. Nakatayo siya sa gitna ng mga puno ng mirto na nasa lambak. Sa likuran niya ay may mga kabayong kulay pula, kayumanggi, at puti. Itinanong ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ang ibig sabihin ng mga ito?” At sinabi niya sa akin, “Ipapakita ko sa iyo ang ibig sabihin nito.” Ang taong nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto ang siyang nagpaliwanag sa akin. Sinabi niya, “Ang mga mangangabayong iyon ay ipinadala ng PANGINOON upang umikot sa buong mundo.” Iniulat ng mga mangangabayo sa anghel ng PANGINOON na nakatayo malapit sa mga puno ng mirto, “Nalibot na namin ang buong mundo at nakita naming tahimik ito.” Sinabi ng anghel ng PANGINOON, “Makapangyarihang PANGINOON, hanggang kailan nʼyo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang iba pang bayan ng Juda? May pitumpung taon na po kayong galit sa kanila.” Ang isinagot ng PANGINOON sa anghel ay magagandang salita at nakapagbigay ng kaaliwan. At sinabi ng anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ipahayag mo ang mensaheng ito: Ito ang sinasabi ng PANGINOON ng mga Hukbo: ‘Labis ang paninibugho ko para sa Jerusalem at Zion, at matindi ang galit ko sa mga bansang akala ay ligtas sila. Hindi ako gaanong galit sa aking mamamayan noon, ngunit naging labis naman ang kasamaang ipinaranas ng mga bansa sa kanila.’ “Kaya ito ang sinasabi ng PANGINOON ng mga Hukbo: ‘Babalik akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli ang lungsod na ito pati na ang aking templo,’ sabi ng PANGINOON ng mga Hukbo. “Sinabi ng anghel na sabihin ko pa itong ipinasasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: ‘Uunlad muli ang aking mga bayan sa Juda. At aaliwin kong muli ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at muli ko itong ituturing na hinirang kong bayan.’ ” Pagkatapos, tumingala ako at nakita ko ang apat na sungay. Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano ang ibig sabihin ng mga sungay na ito?” Sumagot siya, “Ang mga sungay ay ang mga bansang nagpakalat sa mga mamamayan ng Israel, Juda, at Jerusalem.” Pagkatapos, ipinakita sa akin ng PANGINOON ang apat na panday. Itinanong ko, “Ano ang gagawin nila?” Sumagot siya, “Sisindakin nila at wawasakin ang mga sungay. Ang mga sungay na ito ay ang mga bansang lubusang nagwasak sa Juda at nagpangalat sa kanyang mga mamamayan.”

Zacarias 1:7-21 Ang Biblia (TLAB)

Nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi, Aking nakita sa gabi, at, narito, ang isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga kabayong mapula, alazan, at maputi. Nang magkagayo'y sinabi, Oh Panginoon ko, ano ang mga ito? At ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin, Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito. At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi, Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa. At sila'y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto, at nagsabi, Aming nilibot ang lupa, at, narito, ang buong lupa ay tahimik, at tiwasay. Nang magkagayo'y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, laban sa iyong mga kinagalitan nitong pitong pung taon? At ang Panginoo'y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita, ng mga salitang pangaliw. Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho. At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem. Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at pipiliin pa ang Jerusalem. At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang apat na sungay. At aking sinabi sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem. At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday. Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.

Zacarias 1:7-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Noong ikadalawampu't apat na araw ng ikalabing isang buwan ng ikalawang taon ng pamamahala ni Haring Dario, nagpahayag si Yahweh kay Propeta Zacarias. Ganito ang salaysay ni Zacarias tungkol sa pangyayari, “Kagabi, nagkaroon ako ng pangitain. May nakita akong isang lalaking nakasakay sa kabayong pula. At siya'y huminto sa kalagitnaan ng mga punong mirto sa isang libis. Sa likuran niya ay may mga nakasakay rin sa kabayong pula, sa kabayong puti at sa kabayong batik-batik. Kaya't itinanong ko sa anghel ni Yahweh na nasa tabi ng mirto kung ano ang kahulugan niyon.” Ang sagot niya, “Halika't ipapaliwanag ko sa iyo. Ang mga ito ay isinugo ni Yahweh upang magmanman sa buong daigdig.” Sinabi ng mga tinutukoy ng anghel ni Yahweh, “Natingnan na po namin ang kalagayan ng buong daigdig; payapa po ang lahat.” Nang magkagayon, sinabi ng anghel, “Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, hanggang kailan mo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang mga lunsod ng Juda? Pitumpung taon na po silang nagtitiis.” May sinabi si Yahweh sa anghel na kausap ko, mga salitang nakakaaliw at makapagpapalakas ng loob. Pagkatapos, sinabi naman sa akin ng anghel, “Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Labis ang aking pagmamalasakit sa Jerusalem at sa Zion. At malaki ang galit ko sa mga bansang palalo pagkat labis na ang pahirap nilang ginawa. Kukupkupin kong muli ang Jerusalem at ang aking templo ay muling itatayo. Ibabalik ang dating sukat at kaayusan nito. Muling sasagana ang aking mga lunsod. Ang Zion ay muli kong papatnubayan at hihirangin ang Jerusalem.” Ako'y tumingin at may nakita akong apat na sungay. Tinanong ko ang anghel na kausap ko, “Ano ang kahulugan nito?” Ang sagot niya sa akin, “Iyan ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem.” Pagkatapos, apat na panday ang ipinakita ni Yahweh sa akin. Itinanong ko, “Ano ang gagawin nila?” Sumagot siya, “Ang Juda ay lubusang winasak ng mga sungay na nakita mo, anupa't walang makalaban sa kanila. Ipinadala ko ang mga panday na ito upang siyang humarap sa apat na sungay; babaliin nila ang lahat ng sungay na ginamit laban sa Juda.”

Zacarias 1:7-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)