Zacarias 1:1-6
Zacarias 1:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang ikawalong buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi, Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang. Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon. Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man? Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.
Zacarias 1:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng pahayag ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Zacarias, anak ni Berequias at apo ni Propeta Iddo. Noong ikawalong buwan, ng ikalawang taon ng paghahari ni Haring Dario ng Persia, nangusap si Yahweh sa kanya. Ipinasabi niya sa mga taga-Juda, “Labis akong napoot sa inyong mga ninuno. Kaya't sabihin mo sa kanilang ipinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ‘Manumbalik kayo sa akin at kakalingain ko kayo. Huwag kayong tumulad sa inyong mga ninuno. Hindi sila nanumbalik sa akin, hindi nila tinalikuran ang kanilang kasamaan sa kabila ng aking mga panawagan sa pamamagitan ng mga propeta. Nasaan sila ngayon? At ang mga propeta, nanatili ba silang buháy? Ngunit natupad ang lahat ng sinabi ko sa pamamagitan ng mga propeta. Kaya naman sila'y nagsisi at sinabi nilang ginawa ko nga ang aking sinabi tungkol sa kanila na katumbas ng kanilang kasamaan.’”
Zacarias 1:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Noong ikawalong buwan ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario sa Persia, nagpahayag ang PANGINOON kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido. Sinabi niya, “Matindi ang galit ng PANGINOON sa inyong mga ninuno. Kaya sabihin mo sa kanila: Ito ang sinasabi ng PANGINOONG Makapangyarihan: ‘Magbalik-loob kayo sa akin at akoʼy babalik sa inyo,’ sabi ng PANGINOON ng mga Hukbo. Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Silaʼy sinabihan ng mga propeta noon: Ito ang sinasabi ng PANGINOON ng mga Hukbo: ‘Talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay at gawa.’ Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin. Ang inyong mga ninuno at ang mga propetang iyon ay namatay na. Ngunit hindi baʼt nangyari sa inyong mga ninuno ang mga sinabi ko pati ang mga tuntuning iniutos ko sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta? “Kaya nagsisi sila at nagsabing, ‘Pinarusahan tayo ng PANGINOON ng mga Hukbo ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’ ”
Zacarias 1:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Nang ikawalong buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi, Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang. Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon. Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man? Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.
Zacarias 1:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)