Tito 3:9-11
Tito 3:9-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga pagtatalo at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang mabuting ibubunga at walang halaga. Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, dahil alam mong ang ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang nagpapakilalang siya'y mali.
Tito 3:9-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Iwasan mo ang mga walang kuwentang pagtatalo-talo, ang pagsasaliksik sa talaan ng mga ninuno, at ang mga away at debate tungkol sa Kautusan, dahil wala itong pakinabang at walang saysay. Pagsabihan mo nang dalawang beses ang taong sumisira sa inyong pagkakaisa. Ngunit kung pagkatapos mo siyang pagsabihan nang dalawang beses ay ayaw pa rin niyang makinig, iwasan mo na siya. Sapagkat alam mong ang ganoong tao ay baluktot ang pag-iisip at makasalanan; at ang masasamang gawa niya mismo ang humahatol sa kanya.
Tito 3:9-11 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't ilagan mo ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan. Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo; Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili.
Tito 3:9-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga pagtatalo at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang mabuting ibubunga at walang halaga. Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, dahil alam mong ang ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang nagpapakilalang siya'y mali.
Tito 3:9-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)