Tito 2:1-3
Tito 2:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang ituro mo naman ay ang mga bagay na naaayon sa wastong aral. Sabihin mo sa matatandang lalaki na sila'y maging mahinahon, marangal, mapagpigil sa sarili, at maging matatag sa pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis. Sabihin mo sa matatandang babae na sila'y mamuhay na may kabanalan, huwag maninirang-puri, huwag maglalasing kundi magturo sila ng mabuti
Tito 2:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit ikaw, Tito, ituro mo ang naaayon sa tamang katuruan. Ang mga nakatatandang lalaki ay turuan mong maging mahinahon, marangal, at marunong magpigil sa sarili. Kailangang matatag sila sa pananampalataya, sa pag-ibig at sa pagtitiis. Gayundin naman, ang mga nakatatandang babae ay turuan mong mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos. Huwag silang maging mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak, at sa halip ay ituro nila sa iba ang mabuti.
Tito 2:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na magaling: Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, mahusay, mahinahon ang pagiisip, magagaling sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis: Na gayon din ang matatandang babae ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan
Tito 2:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang ituro mo naman ay ang mga bagay na naaayon sa wastong aral. Sabihin mo sa matatandang lalaki na sila'y maging mahinahon, marangal, mapagpigil sa sarili, at maging matatag sa pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis. Sabihin mo sa matatandang babae na sila'y mamuhay na may kabanalan, huwag maninirang-puri, huwag maglalasing kundi magturo sila ng mabuti
Tito 2:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)