Tito 1:1-4
Tito 1:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kay Pablo, isang lingkod ng Diyos at apostol ni Jesu-Cristo. Sinugo ako upang patibayin ang pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos, at upang palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa katotohanang makakapaglapit sa atin sa Diyos, at bigyan sila ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Bago pa likhain ang sanlibutan, ang buhay na ito'y ipinangako na ng Diyos na kailanma'y hindi sinungaling. Ipinahayag niya ito sa kanyang salita sa takdang panahon, at ako ang napagkatiwalaang mangaral nito, ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas. Sumusulat ako kay Tito, na tunay kong anak sa pananampalataya. Sumaiyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos Ama at mula sa ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus.
Tito 1:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mula kay Pablo na lingkod ng Diyos at apostol ni Hesu-Kristo na sinugo upang patibayin ang pananampalataya ng mga pinili ng Diyos, at ipaunawa sa kanila ang katotohanan tungkol sa pamumuhay na maka-Diyos. Ang katotohanang ito ang siyang nagbibigay sa kanila ng pag-asa na makakamtan nila ang buhay na walang hanggan. Ang buhay na itoʼy ipinangako ng Diyos bago pa man niya likhain ang mundo, at hindi siya nagsisinungaling. At ngayon na ang panahong itinakda niya upang maihayag ang kanyang salita tungkol sa buhay na ito. At sa akin ipinagkatiwala ng Diyos na ating Tagapagligtas ang pangangaral ng salitang ito. Mahal kong Tito, ang aking tunay na anak sa iisang pananampalataya: Sumaiyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa ating Tagapagligtas na si Kristo Hesus.
Tito 1:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios, at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan, Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan; Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas; Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.
Tito 1:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kay Pablo, isang lingkod ng Diyos at apostol ni Jesu-Cristo. Sinugo ako upang patibayin ang pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos, at upang palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa katotohanang makakapaglapit sa atin sa Diyos, at bigyan sila ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Bago pa likhain ang sanlibutan, ang buhay na ito'y ipinangako na ng Diyos na kailanma'y hindi sinungaling. Ipinahayag niya ito sa kanyang salita sa takdang panahon, at ako ang napagkatiwalaang mangaral nito, ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas. Sumusulat ako kay Tito, na tunay kong anak sa pananampalataya. Sumaiyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos Ama at mula sa ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus.
Tito 1:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)