Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Awit ni Solomon 8:1-14

Ang Awit ni Solomon 8:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Bakit kaya ika'y hindi naging isa kong kapatid? Inaruga ng ina ko, lumaki sa kanyang dibdib, upang kahit sa lansangan, kung sa iyo ay humalik ay di tayo papansinin, pagkat tayo'y magkapatid. Sa bahay ng aking ina ikaw ay aking dadalhin upang doon ituro at ipadama ang paggiliw, dudulutan ka ng alak, ng masarap na inumin. Sa kaliwa niyang kamay ang ulo ko'y nakaunan habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay. Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem, ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain. Sino itong dumarating na buhat sa kaparangan, hawak-hawak pa ang kamay ng kanyang minamahal? Sa puno ng mansanas, ikaw ay aking ginising, doon mismo sa lugar na iyong sinilangan. Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy. Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain. Kami ay mayro'ng kapatid, dibdib niya ay maliit, ano kayang dapat gawin kung sa kanya'y may umibig? Kung pader lang sana siya, toreng pilak ay lalagyan, at kung pintuan lamang siya, tablang sedar, ay lalagyan. Ako'y isang batong muog, dibdib ko ang siyang tore; sa piling ng aking mahal ay panatag ang sarili. May ubasan si Solomon sa dako ng Baal-hamon, mga taong tumitingin, magsasakang tagaroon; buwis nila'y libong pilak, bawat isa taun-taon. Kung si Haring Solomon ay mayroong libong pilak at ang mga magsasaka'y may dalawandaang hawak, ako naman ay mayroong taniman ng mga ubasan. Bawat isang kasama ko'y malaon nang nananabik, na magmula ro'n sa hardin, ang tinig mo ay marinig. Halika na aking sinta, madali aking mahal, tulad ng pagtakbo ng usa sa kaburulan na punung-puno ng mababangong halaman.

Ang Awit ni Solomon 8:1-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Kung naging kapatid lamang sana kita, na pinasuso ng aking ina, hahalikan kita saanman tayo magkita, at hindi nila ako pag-iisipan ng masama. Dadalhin kita sa bahay ng aking ina, kung saan akoʼy tinuruan niya. Paiinumin kita ng mabangong alak na mula sa katas ng aking mga pomegranata. Nasa ilalim ng ulo ko ang kaliwang bisig mo, at ang kanang bisig mo namaʼy niyayakap ako. Kayong mga babae ng Jerusalem, mangako kayo na hindi ninyo hahayaan na ang pag-ibig ay umusbong hanggaʼt hindi pa dumarating ang tamang panahon. Sino kaya itong dumarating mula sa ilang na nakahilig sa kanyang minamahal? Ginising ko ang iyong damdamin, doon sa ilalim ng puno ng mansanas, kung saan ka isinilang. Iukit mo ang pangalan ko sa puso mo upang patunayan na ako lamang ang mahal mo. At ako lamang ang yayakapin ng mga bisig mo. Makapangyarihan ang pag-ibig gaya ng kamatayan; maging ang pagnanasa ay hindi mapipigilan. Ang pag-ibig ay parang lumiliyab at lumalagablab na apoy. Kahit laksa-laksang tubig, hindi ito mapipigilan. Sinumang magtangkang bilhin ito kahit ng lahat niyang yaman ay baka malagay lamang sa kahihiyan. May kapatid kaming dalagita, at ang kanyang dibdib ay hindi pa nababakas. Ano ang aming gagawin sa araw na siyaʼy ipagkasundo upang ikasal? Siya ba ay tulad ng isang pader? Magtatayo kami ng mga tore ng pilak sa ibabaw niya. Siya ba ay tulad ng isang pinto? Babarikadahan namin siya ng tablang sedro. Ako ngaʼy isang pader, at ang dibdib koʼy parang mga tore. Kaya sa paningin ng aking mahal pinapanatag ko siya. May ubasan si Solomon sa Baal-hamon na kanyang pinauupahan sa mga magsasaka roon. Bawat isa sa kanilaʼy nagbibigay sa kanya ng isang libong piraso ng pilak bilang parte niya sa ubasan. Ikaw ang bahala Solomon, kung ang parte mo ay isang libong piraso ng pilak at ang parte ng mga magsasaka ay dalawandaang piraso ng pilak. Ngunit ako na ang bahala sa sarili kong ubasan. O irog kong namamasyal sa hardin, mabuti pa ang mga kaibigan mo, naririnig nila ang iyong tinig. Iparinig mo rin ito sa akin. Halika, aking mahal. Tumakbo ka nang mabilis gaya ng usa sa kabundukan na punong-puno ng mga halamang ginagawang pabango.

Ang Awit ni Solomon 8:1-14 Ang Biblia (TLAB)

Oh ikaw sana'y naging aking kapatid, na humitit ng mga suso ng aking ina! Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita; Oo, at walang hahamak sa akin. Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, na magtuturo sa akin; aking paiinumin ka ng hinaluang alak, ng katas ng aking granada. Ang kaniyang kaliwang kamay ay malalagay sa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko, hanggang sa ibigin niya. Sino itong umaahong mula sa ilang, na humihilig sa kaniyang sinisinta? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita: doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina, doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo. Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain. Tayo'y may isang munting kapatid na babae, at siya'y walang mga suso: ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae sa araw na siya'y ipakikiusap? Kung siya'y maging isang kuta, pagtatayuan natin siya ng moog na pilak: at kung siya'y maging isang pintuan, ating tatakpan ng mga tablang sedro. Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay parang mga moog niyaon: ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan. Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon; kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala; bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak. Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko; ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo, at ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan. Ikaw na tumatahan sa mga halamanan, ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig: iparinig mo sa akin. Ikaw ay magmadali, sinisinta ko, at ikaw ay maging parang usa o batang usa sa mga bundok ng mga especia.

Ang Awit ni Solomon 8:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Bakit kaya ika'y hindi naging isa kong kapatid? Inaruga ng ina ko, lumaki sa kanyang dibdib, upang kahit sa lansangan, kung sa iyo ay humalik ay di tayo papansinin, pagkat tayo'y magkapatid. Sa bahay ng aking ina ikaw ay aking dadalhin upang doon ituro at ipadama ang paggiliw, dudulutan ka ng alak, ng masarap na inumin. Sa kaliwa niyang kamay ang ulo ko'y nakaunan habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay. Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem, ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain. Sino itong dumarating na buhat sa kaparangan, hawak-hawak pa ang kamay ng kanyang minamahal? Sa puno ng mansanas, ikaw ay aking ginising, doon mismo sa lugar na iyong sinilangan. Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy. Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain. Kami ay mayro'ng kapatid, dibdib niya ay maliit, ano kayang dapat gawin kung sa kanya'y may umibig? Kung pader lang sana siya, toreng pilak ay lalagyan, at kung pintuan lamang siya, tablang sedar, ay lalagyan. Ako'y isang batong muog, dibdib ko ang siyang tore; sa piling ng aking mahal ay panatag ang sarili. May ubasan si Solomon sa dako ng Baal-hamon, mga taong tumitingin, magsasakang tagaroon; buwis nila'y libong pilak, bawat isa taun-taon. Kung si Haring Solomon ay mayroong libong pilak at ang mga magsasaka'y may dalawandaang hawak, ako naman ay mayroong taniman ng mga ubasan. Bawat isang kasama ko'y malaon nang nananabik, na magmula ro'n sa hardin, ang tinig mo ay marinig. Halika na aking sinta, madali aking mahal, tulad ng pagtakbo ng usa sa kaburulan na punung-puno ng mababangong halaman.

Ang Awit ni Solomon 8:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Oh ikaw sana'y naging aking kapatid, Na humitit ng mga suso ng aking ina! Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita; Oo, at walang hahamak sa akin. Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, Na magtuturo sa akin; Aking paiinumin ka ng hinaluang alak, Ng katas ng aking granada. Ang kaniyang kaliwang kamay ay malalagay sa ilalim ng aking ulo, At ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, Na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko, Hanggang sa ibigin niya. Sino itong umaahong mula sa ilang, Na humihilig sa kaniyang sinisinta? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita: Doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina, Doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo. Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, Pinakatatak sa iyong bisig: Sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, Panibugho ay mabagsik na parang Sheol: Ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, Isang pinaka liyab ng Panginoon. Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, Ni mapauurong man ng mga baha; Kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, Siya'y lubos na kukutyain. Tayo'y may isang munting kapatid na babae, At siya'y walang mga suso: Ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae Sa araw na siya'y ipakikiusap? Kung siya'y maging isang kuta, Pagtatayuan natin siya ng moog na pilak: At kung siya'y maging isang pintuan, Ating tatakpan ng mga tablang sedro. Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay parang mga moog niyaon: Ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan. Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon; Kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala; Bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak. Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko; Ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo, At ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan. Ikaw na tumatahan sa mga halamanan, Ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig: Iparinig mo sa akin. Ikaw ay magmadali, sinisinta ko, At ikaw ay maging parang usa o batang usa Sa mga bundok ng mga especia.