Ang Awit ni Solomon 1:8
Ang Awit ni Solomon 1:8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung nais mong malaman, O babaing napakaganda, ang dapat lang na gawin mo ay sundan ang mga tupa. Ang kawan ng mga kambing ay doon mo alagaan sa tabi ng mga tolda ng pastol ng aking kawan.
Ang Awit ni Solomon 1:8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kung hindi mo alam, O babaeng ubod ng ganda, sundan ang bakas ng aking mga tupa. Papunta ito sa tolda ng mga pastol, at mga batang kambing mo ay doon mo na rin ipastol.
Ang Awit ni Solomon 1:8 Ang Biblia (TLAB)
Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor.