Ruth 1:1-5
Ruth 1:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang ang Israel ay pinamumunuan pa ng mga hukom, nagkaroon ng taggutom sa buong bayan. Kaya't ang mag-asawang Elimelec at Naomi na mga taga-Bethlehem, Juda ay pansamantala munang nanirahan sa Moab kasama ang kanilang mga anak na sina Mahlon at Quelion. Ang pamilyang ito ay mula sa angkan ng Efrata. Namatay sa Moab si Elimelec at naiwang biyuda si Naomi. Ang dalawa nilang anak ay nakapag-asawa naman ng mga Moabita, sina Orpa at Ruth. Ngunit pagkalipas ng mga sampung taon, namatay rin sina Mahlon at Quelion, kaya't si Naomi ay naulila sa asawa't mga anak.
Ruth 1:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Noong panahong ang mga hukom pa ang namumuno sa Israel, nagkaroon ng taggutom sa lupain. May isang lalaking taga-Bethlehem ng Juda na pumunta sa Moab kasama ang asawa niya at dalawang anak na lalaki para doon muna manirahan. Ang pangalan ng lalaki ay Elimelec, at ang pangalan naman ng asawa niya ay Naomi; at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Sila ay mula sa angkan ni Efrata sa Bethlehem na sakop ng Juda. Habang naroon sila sa Moab, namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan. Nag-asawa ang kanyang mga anak ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpa at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon, namatay sina Mahlon at Kilion, kaya si Naomi na lang ang naiwan.
Ruth 1:1-5 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari nang mga kaarawan nang humatol ang mga hukom, na nagkagutom sa lupain. At isang lalaking taga Bethlehem-juda ay yumaong nakipamayan sa lupain ng Moab, siya, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang dalawang anak na lalake. At ang pangalan ng lalake ay Elimelech, at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Noemi, at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak ay Mahalon at Chelion, mga Ephrateo na taga Bethlehem-juda. At sila'y naparoon sa lupain ng Moab, at nanirahan doon. At si Elimelech na asawa ni Noemi ay namatay: at siya'y naiwan at ang kaniyang dalawang anak. At sila'y nagsipagasawa sa mga babae sa Moab; ang pangalan ng isa'y Orpha, at ang pangalan ng isa'y Ruth: at sila'y tumahan doon na may sangpung taon. At namatay kapuwa si Mahalon at si Chelion; at ang babae ay naiwan ng kaniyang dalawang anak at ng kaniyang asawa.
Ruth 1:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang ang Israel ay pinamumunuan pa ng mga hukom, nagkaroon ng taggutom sa buong bayan. Kaya't ang mag-asawang Elimelec at Naomi na mga taga-Bethlehem, Juda ay pansamantala munang nanirahan sa Moab kasama ang kanilang mga anak na sina Mahlon at Quelion. Ang pamilyang ito ay mula sa angkan ng Efrata. Namatay sa Moab si Elimelec at naiwang biyuda si Naomi. Ang dalawa nilang anak ay nakapag-asawa naman ng mga Moabita, sina Orpa at Ruth. Ngunit pagkalipas ng mga sampung taon, namatay rin sina Mahlon at Quelion, kaya't si Naomi ay naulila sa asawa't mga anak.
Ruth 1:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At nangyari nang mga kaarawan nang humatol ang mga hukom, na nagkagutom sa lupain. At isang lalaking taga Beth-lehem-juda ay yumaong nakipamayan sa lupain ng Moab, siya, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang dalawang anak na lalake. At ang pangalan ng lalake ay Elimelech, at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Noemi, at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak ay Mahalon at Chelion, mga Ephrateo na taga Beth-lehem-juda. At sila'y naparoon sa lupain ng Moab, at nanirahan doon. At si Elimelech na asawa ni Noemi ay namatay: at siya'y naiwan at ang kaniyang dalawang anak. At sila'y nagsipagasawa sa mga babae sa Moab; ang pangalan ng isa'y Orpha, at ang pangalan ng isa'y Ruth: at sila'y tumahan doon na may sangpung taon. At namatay kapuwa si Mahalon at si Chelion; at ang babae ay naiwan ng kaniyang dalawang anak at ng kaniyang asawa.