Mga Taga-Roma 9:2-5
Mga Taga-Roma 9:2-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso, dahil sa mga kalahi kong Judio. Mas mamatamisin ko pang ako'y sumpain at mawalay kay Cristo, kung ito'y sa ikabubuti nila. Sila'y mga Israelita na binigyan ng Diyos ng karapatang maging mga anak niya. Ipinakita rin niya sa kanila ang kanyang kaluwalhatian. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos. Sa kanila rin ibinigay ang Kautusan, ang tunay na pagsamba, at ang kanyang mga pangako. Sa kanila rin nagmula ang mga patriyarka, at tungkol sa kanyang pagiging tao, si Cristo ay nagmula sa kanilang lahi. Ang Kataas-taasang Diyos ay purihin magpakailanman! Amen.
Mga Taga-Roma 9:2-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
labis akong nalulungkot at nababalisa dahil sa mga kalahi at kababayan kong Hudyo. Kung puwede lang sanaʼy ako na lang ang sumpain ng Diyos at mahiwalay kay Kristo, maligtas lang sila. Bilang mga Israelita, itinuring sila ng Diyos na kanyang mga anak. Ipinakita niya sa kanila ang kanyang kadakilaan. Gumawa ang Diyos ng mga kasunduan sa kanila at ibinigay rin ang Kautusan sa kanila. Tinuruan sila ng tunay na pagsamba at maraming ipinangako ang Diyos sa kanila. Ang kanilang mga ninunoʼy mga pinili ng Diyos, at sa kanilang lahi nagmula ang Mesias nang siyaʼy maging tao. Siya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat na dapat purihin magpakailanman! Amen.
Mga Taga-Roma 9:2-5 Ang Biblia (TLAB)
Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso. Sapagka't ako'y makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga kamaganak ayon sa laman. Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan; Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.
Mga Taga-Roma 9:2-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso, dahil sa mga kalahi kong Judio. Mas mamatamisin ko pang ako'y sumpain at mawalay kay Cristo, kung ito'y sa ikabubuti nila. Sila'y mga Israelita na binigyan ng Diyos ng karapatang maging mga anak niya. Ipinakita rin niya sa kanila ang kanyang kaluwalhatian. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos. Sa kanila rin ibinigay ang Kautusan, ang tunay na pagsamba, at ang kanyang mga pangako. Sa kanila rin nagmula ang mga patriyarka, at tungkol sa kanyang pagiging tao, si Cristo ay nagmula sa kanilang lahi. Ang Kataas-taasang Diyos ay purihin magpakailanman! Amen.
Mga Taga-Roma 9:2-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)