Mga Taga-Roma 7:7-12
Mga Taga-Roma 7:7-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang ibig bang sabihin nito'y ang Kautusan ay masama? Hinding-hindi! Kaya lamang, kundi dahil sa Kautusan ay hindi ko sana nalaman kung ano ang kasalanan. Hindi ko sana nalaman kung ano ang pag-iimbot kung hindi sinabi ng Kautusan, “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba.” Ngunit dahil sa kautusan, ang loob ko'y pinukaw ng kasalanan sa lahat ng uri ng kasakiman. Sapagkat walang kasalanan kung walang kautusan. Noong una, namuhay ako nang walang kautusan. Subalit nang dumating ang kautusan, nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay. Ang kautusang dapat sanang magdulot sa akin ng buhay ay siyang nagdulot sa akin ng kamatayan. Sapagkat kinasangkapan ng kasalanan ang kautusan upang ako'y dayain, at sa gayon, ay napatay nga ako ng kasalanan. Kaya nga, banal ang Kautusan at ang bawat utos ay banal, matuwid, at mabuti.
Mga Taga-Roma 7:7-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang ibig ko bang sabihin ay masama ang Kautusan? Aba, hindi! Sapagkat kung wala ang Kautusan, hindi ko malalaman kung ano ang kasalanan. Kung hindi sinabi ng Kautusan, “Huwag kang magnasa,” hindi ko malalaman na masama pala ang pagnanasa. Ngunit ginamit ng kasalanan ang kautusang ito upang gisingin sa akin ang lahat ng uri ng kasakiman. Sapagkat kung walang Kautusan, walang kapangyarihan ang kasalanan. Noong una, nabuhay ako nang walang Kautusan. Ngunit nang malaman ko ang Kautusan, nalaman kong ako palaʼy makasalanan at nahatulan na ng kamatayan. Kaya ang Kautusan na dapat sanaʼy magbibigay ng buhay ang siya pang nagdulot sa akin ng kamatayan. Sapagkat ginamit ng kasalanan ang Kautusan upang dayain ako, at dahil dito nahatulan ako ng kamatayan dahil hindi ko masunod ang Kautusan. Ngunit sa kabila nito, banal pa rin ang Kautusan; ang bawat utos nito ay banal, matuwid at mabuti.
Mga Taga-Roma 7:7-12 Ang Biblia (TLAB)
Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mananakim: Datapuwa't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka't kung walang kautusan ang kasalanan ay patay. At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa't nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay; At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay; Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako. Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.
Mga Taga-Roma 7:7-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang ibig bang sabihin nito'y ang Kautusan ay masama? Hinding-hindi! Kaya lamang, kundi dahil sa Kautusan ay hindi ko sana nalaman kung ano ang kasalanan. Hindi ko sana nalaman kung ano ang pag-iimbot kung hindi sinabi ng Kautusan, “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba.” Ngunit dahil sa kautusan, ang loob ko'y pinukaw ng kasalanan sa lahat ng uri ng kasakiman. Sapagkat walang kasalanan kung walang kautusan. Noong una, namuhay ako nang walang kautusan. Subalit nang dumating ang kautusan, nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay. Ang kautusang dapat sanang magdulot sa akin ng buhay ay siyang nagdulot sa akin ng kamatayan. Sapagkat kinasangkapan ng kasalanan ang kautusan upang ako'y dayain, at sa gayon, ay napatay nga ako ng kasalanan. Kaya nga, banal ang Kautusan at ang bawat utos ay banal, matuwid, at mabuti.
Mga Taga-Roma 7:7-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)