Mga Taga-Roma 5:4-5 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Roma 5:4-5 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.
Mga Taga-Roma 5:4-5 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, nagbubunga ito ng pag-asa. At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ibinuhos sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.
Mga Taga-Roma 5:4-5 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.
Mga Taga-Roma 5:4-5 TLAB (Ang Biblia)
At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa: At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.
Mga Taga-Roma 5:4-5 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))