Mga Taga-Roma 4:1-2
Mga Taga-Roma 4:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tungkol kay Abraham na ating ninuno, ano naman ang masasabi natin? Ano ang kanyang karanasan tungkol sa bagay na ito? Kung pinawalang-sala siya ng Diyos dahil sa mga mabubuting nagawa niya, may maipagmamalaki sana siya. Ngunit wala siyang maipagmalaki sa paningin ng Diyos.
Mga Taga-Roma 4:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Bilang halimbawa kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao, isipin ninyo si Abraham na ama ng mga Hudyo sa laman. Kung itinuring ng Diyos si Abraham na matuwid dahil sa mga nagawa niya, sanaʼy may maipagmamalaki siya. Ngunit wala siyang maipagmamalaki sa Diyos
Mga Taga-Roma 4:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman? Sapagka't kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios.
Mga Taga-Roma 4:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tungkol kay Abraham na ating ninuno, ano naman ang masasabi natin? Ano ang kanyang karanasan tungkol sa bagay na ito? Kung pinawalang-sala siya ng Diyos dahil sa mga mabubuting nagawa niya, may maipagmamalaki sana siya. Ngunit wala siyang maipagmalaki sa paningin ng Diyos.
Mga Taga-Roma 4:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)