Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 3:8 - Compare All Versions

Mga Taga-Roma 3:8 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Kung gayon, bakit nga hindi natin sabihin, “Gumawa tayo ng masama kung mabuti naman ang magiging bunga noon?” Ganyan daw ang itinuturo namin, sabi ng mga naninira sa amin. Sila'y paparusahan ng Diyos, at iyan ang nararapat.

Mga Taga-Roma 3:8 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kung ganito ang iyong pangangatwiran, para mo na ring sinasabi na gumawa tayo ng masama upang lumabas ang mabuti. At ayon sa mga taong naninira sa amin, ganyan daw ang aming itinuturo. Ang mga taong iyan ay nararapat lamang na parusahan ng Diyos.

Mga Taga-Roma 3:8 TLAB (Ang Biblia)

At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.

Mga Taga-Roma 3:8 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Kung gayon, bakit nga hindi natin sabihin, “Gumawa tayo ng masama kung mabuti naman ang magiging bunga noon?” Ganyan daw ang itinuturo namin, sabi ng mga naninira sa amin. Sila'y paparusahan ng Diyos, at iyan ang nararapat.

Mga Taga-Roma 3:8 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.