Mga Taga-Roma 3:10-18
Mga Taga-Roma 3:10-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ayon sa nasusulat, “Walang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” “Parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan; pananalita nila'y pawang panlilinlang. Ang labi nila'y may kamandag ng ahas.” “Puno ng pagmumura at masasamang salita ang kanilang bibig.” “Sila'y tumatakbo upang pumatay ng kapwa. Parang dinaanan ng salot ang kanilang madaanan, hindi nila alam ang daan ng kapayapaan.” “Hindi sila marunong matakot sa Diyos.”
Mga Taga-Roma 3:10-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Walang matuwid sa paningin ng Diyos, wala kahit isa; Walang nakakaunawa tungkol sa Diyos, walang nagsisikap na makilala siya. Ang lahat ay tumalikod sa Diyos, at pare-parehong naging walang kabuluhan; Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” “Ang kanilang pananalita ay hindi masikmura tulad ng bukas na libingang nakakasuka. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya.” “Parang kamandag ng ahas ang nasa labi nila.” “Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.” “Sa kaunting dahilan lang ay pumapatay agad sila; kapahamakan at hinagpis ang lagi nilang dala. Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa.” “Walang bahid ng takot sa Diyos sa kanilang mga mata.”
Mga Taga-Roma 3:10-18 Ang Biblia (TLAB)
Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa: Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan: Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo; Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan; At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala; Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.
Mga Taga-Roma 3:10-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ayon sa nasusulat, “Walang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” “Parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan; pananalita nila'y pawang panlilinlang. Ang labi nila'y may kamandag ng ahas.” “Puno ng pagmumura at masasamang salita ang kanilang bibig.” “Sila'y tumatakbo upang pumatay ng kapwa. Parang dinaanan ng salot ang kanilang madaanan, hindi nila alam ang daan ng kapayapaan.” “Hindi sila marunong matakot sa Diyos.”
Mga Taga-Roma 3:10-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)