Mga Taga-Roma 3:1-4
Mga Taga-Roma 3:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung gayon, paanong nakakalamang ang Judio sa hindi Judio? Ano ang kabuluhan ng pagiging tuli? Napakarami! Una sa lahat, ang mga Judio ang pinagkatiwalaan ng mga mensahe ng Diyos. Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig kayang sabihin niyon ay hindi na rin tapat ang Diyos? Hinding-hindi! Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat, “Upang kilalanin kang matuwid sa iyong mga salita, at manaig ka kung hahatulan ka na.”
Mga Taga-Roma 3:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kung ganoon, ano ang kalamangan ng pagiging isang Hudyo? At ano ang kahalagahan ng pagiging tuli? Totoong nakahihigit ang mga Hudyo sa maraming bagay. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa kanila ang salita ng Diyos. Paano kung hindi naging tapat ang iba sa kanilang pagsunod sa Diyos? Nangangahulugan ba iyon na hindi na rin magiging tapat ang Diyos sa pagtupad sa kanyang mga pangako? Aba hindi! Sapagkat tapat ang Diyos sa kanyang mga salita, kahit sinungaling pa ang tao. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Mapapatunayang tapat ka sa iyong salita, at laging tama sa iyong paghatol.”
Mga Taga-Roma 3:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli? Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios. Ano nga kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa pagtatapat ng Dios? Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang Dios ay tapat, datapuwa't ang bawa't tao'y sinungaling; gaya ng nasusulat, Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita, At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan.
Mga Taga-Roma 3:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kung gayon, paanong nakakalamang ang Judio sa hindi Judio? Ano ang kabuluhan ng pagiging tuli? Napakarami! Una sa lahat, ang mga Judio ang pinagkatiwalaan ng mga mensahe ng Diyos. Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig kayang sabihin niyon ay hindi na rin tapat ang Diyos? Hinding-hindi! Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat, “Upang kilalanin kang matuwid sa iyong mga salita, at manaig ka kung hahatulan ka na.”
Mga Taga-Roma 3:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)