Mga Taga-Roma 14:23
Mga Taga-Roma 14:23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya nagiging tapat sa kanyang paniniwala. Kasalanan ang paglabag sa sariling paniniwala.
Mga Taga-Roma 14:23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pero ang sinumang kumakain nang may pag-aalinlangan ay nagkakasala dahil hindi na ito ayon sa kanyang paniniwala. Sapagkat kasalanan ang anumang bagay na ginagawa natin na hindi ayon sa ating paniniwala.
Mga Taga-Roma 14:23 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka't hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan.