Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 14:16-18 - Compare All Versions

Mga Taga-Roma 14:16-18 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Pag-ingatan mong ang inaakala mong tama ay huwag masamain ng iba. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan na kaloob ng Espiritu Santo. Ang naglilingkod kay Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at iginagalang ng mga tao.

Mga Taga-Roma 14:16-18 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kaya huwag mong hayaang mapulaan ang anumang sa tingin moʼy mabuti. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa kapwa, at kagalakan na nagmumula sa Banal na Espiritu. Ang naglilingkod kay Kristo sa ganitong paraan ay kalugod-lugod sa Diyos at iginagalang ng kapwa.

Mga Taga-Roma 14:16-18 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Pag-ingatan mong ang inaakala mong tama ay huwag masamain ng iba. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan na kaloob ng Espiritu Santo. Ang naglilingkod kay Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at iginagalang ng mga tao.

Mga Taga-Roma 14:16-18 TLAB (Ang Biblia)

Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan: Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo. Sapagka't ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao.

Mga Taga-Roma 14:16-18 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))