Mga Taga-Roma 14:13-20
Mga Taga-Roma 14:13-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Huwag na nating hatulan ang isa't isa. Huwag na rin tayong maging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid. Dahil sa aking pakikipag-isa sa Panginoong Jesus, natitiyak kong walang anumang likas na marumi. Kung sinuman ang naniniwalang marumi ang anumang bagay, marumi nga iyon sa kanya. Kaya, kung dahil sa kinakain mo ay natitisod ang iyong kapatid, hindi na ayon sa pag-ibig ang ginagawa mo. Huwag mong ipahamak ang taong tinubos ng kamatayan ni Cristo dahil sa iyong kinakain. Pag-ingatan mong ang inaakala mong tama ay huwag masamain ng iba. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan na kaloob ng Espiritu Santo. Ang naglilingkod kay Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at iginagalang ng mga tao. Kaya't pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpatibay ng pananampalataya ng isa't isa. Huwag ninyong sirain ang gawain ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay malinis at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na magkakasala ang iba dahil sa iyong kinakain.
Mga Taga-Roma 14:13-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya nga huwag na nating husgahan ang ating kapwa. Sa halip, iwasan na nating gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid. Dahil nakipag-isa na ako sa Panginoong Hesus, alam ko at natitiyak kong wala talagang bawal na pagkain. Ngunit kung naniniwala ang isang tao na marumi ang isang pagkain, marumi nga ito sa kanya kapag kinain niya. Kung nababagabag ang iyong kapatid dahil sa kinakain mo, hindi na naaayon sa pag-ibig ang ginagawa mo. Huwag mong ipapahamak ang kapatid mo kay Kristo dahil lang sa pagkain, dahil namatay rin si Kristo para sa kanya. Kaya huwag mong hayaang mapulaan ang anumang sa tingin moʼy mabuti. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa kapwa, at kagalakan na nagmumula sa Banal na Espiritu. Ang naglilingkod kay Kristo sa ganitong paraan ay kalugod-lugod sa Diyos at iginagalang ng kapwa. Kaya pagsikapan nating gawin palagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at makakapagpatibay sa isaʼt isa. Huwag mong sirain ang pananampalataya ng isang iniligtas ng Diyos nang dahil lang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay maaaring kainin, ngunit ang pagkain nito ay masama kapag naging dahilan ito ng pagkakasala ng iba.
Mga Taga-Roma 14:13-20 Ang Biblia (TLAB)
Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa. Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito. Sapagka't kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig. Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo. Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan: Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo. Sapagka't ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao. Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa. Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi.
Mga Taga-Roma 14:13-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Huwag na nating hatulan ang isa't isa. Huwag na rin tayong maging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid. Dahil sa aking pakikipag-isa sa Panginoong Jesus, natitiyak kong walang anumang likas na marumi. Kung sinuman ang naniniwalang marumi ang anumang bagay, marumi nga iyon sa kanya. Kaya, kung dahil sa kinakain mo ay natitisod ang iyong kapatid, hindi na ayon sa pag-ibig ang ginagawa mo. Huwag mong ipahamak ang taong tinubos ng kamatayan ni Cristo dahil sa iyong kinakain. Pag-ingatan mong ang inaakala mong tama ay huwag masamain ng iba. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan na kaloob ng Espiritu Santo. Ang naglilingkod kay Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at iginagalang ng mga tao. Kaya't pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpatibay ng pananampalataya ng isa't isa. Huwag ninyong sirain ang gawain ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay malinis at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na magkakasala ang iba dahil sa iyong kinakain.
Mga Taga-Roma 14:13-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)