Mga Taga-Roma 10:10-13,17
Mga Taga-Roma 10:10-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas. Sinabi nga ng kasulatan, “Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.” Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.”
Mga Taga-Roma 10:17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Mga Taga-Roma 10:10-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat itinuturing ng Diyos na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niyang siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya. Sinasabi sa Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang sumasampalataya sa kanya.” Sapagkat walang pagkakaiba ang Hudyo at Hentil. Ang Panginoon ay Panginoon ng lahat, at pinagpapala niya nang masagana ang lahat ng tumatawag sa kanya. Sapagkat, “Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”
Mga Taga-Roma 10:17 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.
Mga Taga-Roma 10:10-13 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas. Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya. Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag: Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.
Mga Taga-Roma 10:17 Ang Biblia (TLAB)
Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.
Mga Taga-Roma 10:10-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas. Sinabi nga ng kasulatan, “Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.” Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.”
Mga Taga-Roma 10:17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
Mga Taga-Roma 10:10-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)