Mga Taga-Roma 1:5-7
Mga Taga-Roma 1:5-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa pamamagitan niya, tinanggap namin sa Diyos ang kaloob na maging apostol alang-alang kay Cristo, upang ang mga Hentil ay akayin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya. Kayo'y kabilang sa mga tinawag na maging mga tagasunod ni Jesu-Cristo. Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Mga Taga-Roma 1:5-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa pamamagitan ni Kristo ay tinanggap namin ang pribilehiyong maging apostol, alang-alang sa kanya, upang madala namin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya ang mga Hentil. At kayong mga mananampalataya diyan sa Roma ay kabilang din sa kanyang mga tinawag na maging pag-aari ni Hesu-Kristo. Sa inyong lahat na nasa Roma na minamahal ng Diyos at hinirang niyang maging banal na mga tao niya, sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
Mga Taga-Roma 1:5-7 Ang Biblia (TLAB)
Na sa pamamagitan niya'y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan; Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay Jesucristo: Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.
Mga Taga-Roma 1:5-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa pamamagitan niya, tinanggap namin sa Diyos ang kaloob na maging apostol alang-alang kay Cristo, upang ang mga Hentil ay akayin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya. Kayo'y kabilang sa mga tinawag na maging mga tagasunod ni Jesu-Cristo. Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Mga Taga-Roma 1:5-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)