Mga Taga-Roma 1:2-7
Mga Taga-Roma 1:2-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan, ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David. At tungkol naman sa Espiritu ng kabanalan, ipinahayag siya bilang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, tinanggap namin sa Diyos ang kaloob na maging apostol alang-alang kay Cristo, upang ang mga Hentil ay akayin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya. Kayo'y kabilang sa mga tinawag na maging mga tagasunod ni Jesu-Cristo. Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Mga Taga-Roma 1:2-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang Magandang Balitang itoʼy ipinangako ng Diyos noon sa pamamagitan ng mga propeta at nakasulat sa Banal na Kasulatan. Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa kanyang pagiging tao ay isinilang siya sa lahi ni Haring David. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, siya ay binuhay mula sa mga patay at ibinigay sa kanya ang kapangyarihang nararapat sa kanya bilang Anak ng Diyos. Sa pamamagitan ni Kristo ay tinanggap namin ang pribilehiyong maging apostol, alang-alang sa kanya, upang madala namin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya ang mga Hentil. At kayong mga mananampalataya diyan sa Roma ay kabilang din sa kanyang mga tinawag na maging pag-aari ni Hesu-Kristo. Sa inyong lahat na nasa Roma na minamahal ng Diyos at hinirang niyang maging banal na mga tao niya, sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
Mga Taga-Roma 1:2-7 Ang Biblia (TLAB)
Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin, Na sa pamamagitan niya'y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan; Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay Jesucristo: Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.
Mga Taga-Roma 1:2-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan, ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David. At tungkol naman sa Espiritu ng kabanalan, ipinahayag siya bilang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, tinanggap namin sa Diyos ang kaloob na maging apostol alang-alang kay Cristo, upang ang mga Hentil ay akayin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya. Kayo'y kabilang sa mga tinawag na maging mga tagasunod ni Jesu-Cristo. Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Mga Taga-Roma 1:2-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)