Mga Taga-Roma 1:17
Mga Taga-Roma 1:17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”
Mga Taga-Roma 1:17 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa paningin niya. Itoʼy sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas; gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Mabubuhay sa pananampalataya ang matuwid.”
Mga Taga-Roma 1:17 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Mga Taga-Roma 1:17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)