Pahayag 5:5
Pahayag 5:5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit sinabi sa akin ng isa sa mga pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon mula sa lipi ni Juda, ang anak ni David, ang siyang nagtagumpay at may karapatang mag-alis sa pitong selyo at magbukas sa kasulatang nakarolyo.”
Pahayag 5:5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
At sinabi sa akin ng isa sa mga pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang tinaguriang Leon mula sa lahi ni Juda, ang Supling ni David ay nagtagumpay at karapat-dapat siyang magtanggal ng pitong selyo at buksan ang kasulatan.”
Pahayag 5:5 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.
Pahayag 5:5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)