Pahayag 5:1-6
Pahayag 5:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang kasulatan na may sulat ang loob at labas at sinarhan ng pitong selyo. At nakita ko rin ang isang makapangyarihang anghel na nagtanong nang malakas, “Sino ang karapat-dapat na mag-alis sa mga selyo at magbukas sa kasulatan?” Ngunit wala ni isa man, maging sa langit, maging sa lupa o sa ilalim ng lupa, na makapagbukas o makatingin sa nilalaman niyon. Buong kapaitan akong umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at tumingin sa nilalaman niyon. Ngunit sinabi sa akin ng isa sa mga pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon mula sa lipi ni Juda, ang anak ni David, ang siyang nagtagumpay at may karapatang mag-alis sa pitong selyo at magbukas sa kasulatang nakarolyo.” Pagkatapos, nakita ko sa pagitan ng mga pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na parang pinatay na. Ito'y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa buong sanlibutan.
Pahayag 5:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos nito, nakita ko ang nakarolyong kasulatan na hawak-hawak ng nakaupo sa trono sa kanang kamay niya. May nakasulat sa magkabilang bahagi nito, at may pitong selyo upang hindi mabuksan. At nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na sumisigaw, “Sino ang karapat-dapat na magtanggal ng mga selyo at nang mabuksan ang kasulatang ito?” Ngunit walang isa man sa langit, sa lupa o sa ilalim ng lupa na makapagbukas ng kasulatan upang mabasa ang nakasulat doon. Umiyak ako nang labis sapagkat walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at bumasa ng kasulatang iyon. At sinabi sa akin ng isa sa mga pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang tinaguriang Leon mula sa lahi ni Juda, ang Supling ni David ay nagtagumpay at karapat-dapat siyang magtanggal ng pitong selyo at buksan ang kasulatan.” Pagkatapos, nakita ko ang isang Korderong mukhang pinatay, na nakatayo sa pagitan ng mga pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang. Mayroon itong pitong sungay at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Diyos na isinugo sa lahat ng lugar sa mundo.
Pahayag 5:1-6 Ang Biblia (TLAB)
At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito. At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.
Pahayag 5:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang kasulatan na may sulat ang loob at labas at sinarhan ng pitong selyo. At nakita ko rin ang isang makapangyarihang anghel na nagtanong nang malakas, “Sino ang karapat-dapat na mag-alis sa mga selyo at magbukas sa kasulatan?” Ngunit wala ni isa man, maging sa langit, maging sa lupa o sa ilalim ng lupa, na makapagbukas o makatingin sa nilalaman niyon. Buong kapaitan akong umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at tumingin sa nilalaman niyon. Ngunit sinabi sa akin ng isa sa mga pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon mula sa lipi ni Juda, ang anak ni David, ang siyang nagtagumpay at may karapatang mag-alis sa pitong selyo at magbukas sa kasulatang nakarolyo.” Pagkatapos, nakita ko sa pagitan ng mga pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na parang pinatay na. Ito'y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa buong sanlibutan.
Pahayag 5:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)