Pahayag 22:12-14
Pahayag 22:12-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa! Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.” Mapapalad ang naglilinis ng kanilang kasuotan sapagkat bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lunsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.
Pahayag 22:12-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Makinig kayo! Malapit na akong dumating! Dala ko ang aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya. Ako ang Alpha at ang Omega, na ang ibig sabihin, ang una at ang huli, o ang simula at ang katapusan ng lahat. “Mapalad ang naglilinis ng mga damit nila, dahil papayagan silang makapasok sa lungsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.
Pahayag 22:12-14 Ang Biblia (TLAB)
Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa. Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas. Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.
Pahayag 22:12-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa! Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.” Mapapalad ang naglilinis ng kanilang kasuotan sapagkat bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lunsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.
Pahayag 22:12-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)