Pahayag 2:1-2
Pahayag 2:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso: “Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto. Nalalaman ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapakahirap at pagtitiyaga. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang masasama. Sinubok mo ang mga huwad na apostol, at napatunayan mong sila'y nagsisinungaling.
Pahayag 2:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Efeso: “Ito ang mensahe ng may hawak ng pitong bituin sa kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto. “Batid ko ang mga ginagawa ninyo pati ang inyong mga pagsisikap at pagtitiyaga. Alam ko rin na hindi ninyo kinukunsinti ang masasamang tao. Siniyasat ninyo ang mga nagpapanggap na apostol, at napatunayan ninyong silaʼy mga sinungaling.
Pahayag 2:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan
Pahayag 2:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso: “Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto. Nalalaman ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapakahirap at pagtitiyaga. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang masasama. Sinubok mo ang mga huwad na apostol, at napatunayan mong sila'y nagsisinungaling.
Pahayag 2:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)