Pahayag 18:2
Pahayag 18:2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ubos-lakas siyang sumigaw, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia! Ngayon ay tahanan na lamang siya ng mga demonyo, bilangguan ng masasamang espiritu, ng maruruming ibon at ng marurumi at kasuklam-suklam na mga hayop.
Pahayag 18:2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sumigaw siya nang malakas, “Bumagsak na! Bumagsak na ang Dakilang Babilonia! Ito ngayoʼy lungga na lamang ng mga demonyo at masasamang espiritu. Ito ngayoʼy kulungan na lamang ng mga ibong marurumi at mga hayop na marurumi at kasuklam-suklam.
Pahayag 18:2 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
Pahayag 18:2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ubos-lakas siyang sumigaw, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia! Ngayon ay tahanan na lamang siya ng mga demonyo, bilangguan ng masasamang espiritu, ng maruruming ibon at ng marurumi at kasuklam-suklam na mga hayop.
Pahayag 18:2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)