Pahayag 11:18
Pahayag 11:18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagngingitngit ang mga di-kumikilala sa iyo, dahil dumating na ang panahon ng iyong poot, ang paghatol sa mga patay, at pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo, at sa iyong mga hinirang, sa lahat ng may takot sa iyo, dakila man o hamak. Panahon na upang lipulin mo ang mga sumira sa sanlibutan.”
Pahayag 11:18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Puno ng galit ang mga bansa, at narito na ang inyong poot. Panahon na upang hatulan ninyo ang mga patay at gantimpalaan ang inyong mga lingkod na propeta, at ang mga hinirang ninyong may takot sa inyo, dakila man o hindi. At panahon na rin upang lipulin ang mga namumuksa sa mundo.”
Pahayag 11:18 Ang Biblia (TLAB)
At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.
Pahayag 11:18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagngingitngit ang mga di-kumikilala sa iyo, dahil dumating na ang panahon ng iyong poot, ang paghatol sa mga patay, at pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo, at sa iyong mga hinirang, sa lahat ng may takot sa iyo, dakila man o hamak. Panahon na upang lipulin mo ang mga sumira sa sanlibutan.”
Pahayag 11:18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)