Pahayag 1:4-6 - Compare All Versions
Pahayag 1:4-6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na siyang nakaraan, kasalukuyan, at darating. Ito'y mula sa pitong espiritung nasa harap ng kanyang trono, at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay at pinuno ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan. Ginawa niya tayong isang lahi ng mga pari na naglilingkod sa kanyang Diyos at Ama. Kay Jesu-Cristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman! Amen.
Pahayag 1:4-6 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap, at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng trono ng Diyos, at mula kay Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan. Hinirang niya tayo upang mapabilang sa kanyang kaharian at maging mga paring naglilingkod sa Diyos na kanyang Ama. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan, magpakailanman. Amen.
Pahayag 1:4-6 TLAB (Ang Biblia)
Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia: Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan; At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo; At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.
Pahayag 1:4-6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na siyang nakaraan, kasalukuyan, at darating. Ito'y mula sa pitong espiritung nasa harap ng kanyang trono, at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay at pinuno ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan. Ginawa niya tayong isang lahi ng mga pari na naglilingkod sa kanyang Diyos at Ama. Kay Jesu-Cristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman! Amen.
Pahayag 1:4-6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))