Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 89:19-52 - Compare All Versions

Mga Awit 89:19-52 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Noon pa mang una, sa mga lingkod mo, ika'y nagsalita, sa pangitaing ipinakita'y ito ang badya: “Aking pinutungan ang isang dakila, na aking pinili sa gitna ng madla. Ang piniling lingkod na ito'y si David, aking binuhusan ng banal na langis. Kaya't palagi ko siyang gagabayan, at siya'y bibigyan ko ng kalakasan. Di siya malulupig ng kanyang kaaway, ang mga masama'y di magtatagumpay. Aking dudurugin sa kanyang harapan, silang namumuhi na mga kaaway. Ang katapatan ko't pag-ibig na wagas, ay iuukol ko't aking igagawad, at magtatagumpay siya oras-oras. Mga kaharia'y kanyang masasakop, dagat na malawak at malaking ilog. Ako'y tatawaging Ama niya't Diyos, tagapagsanggalang niya't manunubos. Gagawin ko siyang panganay at hari, pinakamataas sa lahat ng hari! Ang aking pangako sa kanya'y iiral at mananatili sa aming kasunduan. Laging maghahari ang isa niyang angkan, sintatag ng langit yaong kaharian. “Kung ang mga anak niya ay susuway, at ang aking utos ay di igagalang, kung ang aking aral ay di papakinggan at ang kautusa'y hindi iingatan, kung gayon, daranas sila ng parusa dahil kasamaan ang ginawa nila, sila'y hahampasin sa ginawang sala. Ngunit ang pangako't pag-ibig kay David, ay di magbabago, hindi mapapatid. Ang tipan sa kanya'y di ko sisirain, ni isang pangako'y di ko babawiin. “Sa aking kabanalan, ipinangako ko, kay David ay hindi magsisinungaling. Lahi't trono niya'y hindi magwawakas, hanggang mayro'ng araw tayong sumisikat; katulad ng buwan na hindi lilipas, matatag na tanda doon sa itaas.” (Selah) Subalit ngayon, siyang iyong hirang, ay itinakwil mo at kinagalitan; binawi mo pati yaong iyong tipan, ang kanyang korona ay iyong dinumhan. Ang tanggulan niya ay iyong winasak, mga muog niya'y iyong ibinagsak. Lahat ng magdaa'y nagsasamantala, ang ari-arian niya'y kinukuha; bansa sa paligid, pawang nagtatawa. Iyong itinaas ang kanyang kaaway, tuwang-tuwa sila't pinapagtagumpay. Ang sandata niya'y nawalan ng saysay, binigo mo siya sa kanyang paglaban. Yaong kanyang trono at ang setrong hawak, inalis sa kanya't iyong ibinagsak. Sa iyong ginawa'y nagmukhang matanda, sa kanyang sinapit siya'y napahiya. (Selah) Hanggang kailan pa ba, mukha'y itatago? Wala na bang wakas, tindi ng galit mo? Alam mo, O Yahweh, ang buhay ng tao ay maikli lamang sa balat ng mundo; papanaw na lahat silang nilikha mo. Sino ba'ng may buhay na hindi papanaw? Paano iiwas sa kanyang libingan tayong mga taong ngayo'y nabubuhay? (Selah) Nasaan ang alab ng dating pag-ibig at tapat na sumpang ginawa kay David? Nasaan, O Diyos? Iyong ipabatid. Iyong nalalaman ang mga pasakit ng abâ mong lingkod, na pawang tiniis; ang mga pagkutya na kanyang sinapit sa kamay ng taong pawang malulupit. Ganito tinuya ng iyong kaaway ang piniling haring saan ma'y inuyam. Si Yahweh ay ating purihin magpakailanman!

Mga Awit 89:19-52 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Noon, nagsalita kayo sa inyong mga tapat na lingkod sa pamamagitan ng pangitain. Sinabi nʼyo, “May hinubog akong isang mandirigma. Pinili ko siya mula sa mga karaniwang tao, at ginawang hari. Si David na aking lingkod ang pinili kong hari sa pamamagitan ng pagpahid sa kanya ng banal na langis. Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya, at magpapalakas sa kanya. Hindi siya malilinlang ng kanyang mga kaaway. Hindi magtatagumpay laban sa kanya ang masasamâ. Dudurugin ko sa kanyang harapan ang kanyang mga kaaway, at lilipulin ang mga may galit sa kanya. Mamahalin ko siya at dadamayan. At sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay magtatagumpay siya. Paghahariin ko siya mula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Ilog ng Eufrates. Sasabihin niya sa akin, ‘Kayo ang aking Ama, ang aking Diyos, ang Bato na aking kanlungan at kaligtasan.’ Ituturing ko siyang panganay kong anak, ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng hari. Ang pag-ibig ko sa kanyaʼy magpakailanman at ang kasunduan ko sa kanyaʼy mananatili. Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang angkan; ang kanyang paghahari ay magiging matatag tulad ng kalangitan at mananatili magpakailanman. Ngunit kung ang mga anak niya ay tumalikod sa aking kautusan at hindi mamumuhay ayon sa aking pamamaraan, at kung lalabagin nila ang aking mga tuntunin at kautusan, parurusahan ko sila sa kanilang mga kasalanan. Ngunit mamahalin ko pa rin at dadamayan si David. Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya, at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya. Nangako na ako kay David ayon sa aking kabanalan at hindi ako maaaring magsinungaling. Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang lahi magpakailanman, gaya ng araw, at magpapatuloy ito magpakailanman katulad ng buwan na itinuturing na tapat na saksi sa kalangitan.” Ngunit, PANGINOON, nagalit kayo sa inyong piniling hari; itinakwil nʼyo siya at iniwanan. Binawi nʼyo ang kasunduan sa inyong lingkod at kinuha sa kanya ang kapangyarihan bilang hari. Winasak ninyo ang mga pader ng kanyang lungsod at ginuho ang mga pinagtataguan nila. Kaya lahat ng dumadaan sa kanyang kaharian ay nananamantala, pinagsasamsam ang mga kagamitan sa lungsod. Pinagtatawanan siya ng mga katabing bansa. Pinagtagumpay nʼyo ang kanyang mga kaaway at pinasaya silang lahat. Winalang kabuluhan ninyo ang kanyang mga sandata at ipinatalo siya sa labanan. Winakasan nʼyo ang kanyang katanyagan pati na ang kanyang kapangyarihan bilang hari. At dahil ditoʼy, nagmukha siyang matanda sa bata niyang edad. Inilagay nʼyo siya sa kahihiyan. PANGINOON, hanggang kailan nʼyo kami pagtataguan? Wala na ba itong katapusan? Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong galit sa amin? Alalahanin nʼyo kung gaano kaiksi ang buhay ng tao. Alalahanin nʼyong nilikha nʼyo ang tao na may kamatayan. Sinong tao ang hindi mamamatay? Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan? Panginoon, nasaan na ang dati ninyong pag-ibig? Ang pag-ibig na ipinangako nʼyo kay David ayon sa inyong katapatan sa kanya? Alalahanin nʼyo, Panginoon, kung paanong hiniya ng maraming bansa ang iyong lingkod at ito ay aking tiniis. Ang mga kaaway nʼyo, PANGINOON, ang siyang kumukutya sa pinili nʼyong hari, saan man siya magpunta. Purihin ang PANGINOON magpakailanman! Amen! Amen!

Mga Awit 89:19-52 TLAB (Ang Biblia)

Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan. Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis: Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig. Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan. At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya. Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay. Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog. Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa. Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya. Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit. Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko; Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan. Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang. Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi. Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David; Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko. Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah) Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis. Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa. Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan. Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit. Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway. Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka. Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa. Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan: iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah) Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy? Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao. Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah) Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat? Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan; Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis. Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa.

Mga Awit 89:19-52 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Noon pa mang una, sa mga lingkod mo, ika'y nagsalita, sa pangitaing ipinakita'y ito ang badya: “Aking pinutungan ang isang dakila, na aking pinili sa gitna ng madla. Ang piniling lingkod na ito'y si David, aking binuhusan ng banal na langis. Kaya't palagi ko siyang gagabayan, at siya'y bibigyan ko ng kalakasan. Di siya malulupig ng kanyang kaaway, ang mga masama'y di magtatagumpay. Aking dudurugin sa kanyang harapan, silang namumuhi na mga kaaway. Ang katapatan ko't pag-ibig na wagas, ay iuukol ko't aking igagawad, at magtatagumpay siya oras-oras. Mga kaharia'y kanyang masasakop, dagat na malawak at malaking ilog. Ako'y tatawaging Ama niya't Diyos, tagapagsanggalang niya't manunubos. Gagawin ko siyang panganay at hari, pinakamataas sa lahat ng hari! Ang aking pangako sa kanya'y iiral at mananatili sa aming kasunduan. Laging maghahari ang isa niyang angkan, sintatag ng langit yaong kaharian. “Kung ang mga anak niya ay susuway, at ang aking utos ay di igagalang, kung ang aking aral ay di papakinggan at ang kautusa'y hindi iingatan, kung gayon, daranas sila ng parusa dahil kasamaan ang ginawa nila, sila'y hahampasin sa ginawang sala. Ngunit ang pangako't pag-ibig kay David, ay di magbabago, hindi mapapatid. Ang tipan sa kanya'y di ko sisirain, ni isang pangako'y di ko babawiin. “Sa aking kabanalan, ipinangako ko, kay David ay hindi magsisinungaling. Lahi't trono niya'y hindi magwawakas, hanggang mayro'ng araw tayong sumisikat; katulad ng buwan na hindi lilipas, matatag na tanda doon sa itaas.” (Selah) Subalit ngayon, siyang iyong hirang, ay itinakwil mo at kinagalitan; binawi mo pati yaong iyong tipan, ang kanyang korona ay iyong dinumhan. Ang tanggulan niya ay iyong winasak, mga muog niya'y iyong ibinagsak. Lahat ng magdaa'y nagsasamantala, ang ari-arian niya'y kinukuha; bansa sa paligid, pawang nagtatawa. Iyong itinaas ang kanyang kaaway, tuwang-tuwa sila't pinapagtagumpay. Ang sandata niya'y nawalan ng saysay, binigo mo siya sa kanyang paglaban. Yaong kanyang trono at ang setrong hawak, inalis sa kanya't iyong ibinagsak. Sa iyong ginawa'y nagmukhang matanda, sa kanyang sinapit siya'y napahiya. (Selah) Hanggang kailan pa ba, mukha'y itatago? Wala na bang wakas, tindi ng galit mo? Alam mo, O Yahweh, ang buhay ng tao ay maikli lamang sa balat ng mundo; papanaw na lahat silang nilikha mo. Sino ba'ng may buhay na hindi papanaw? Paano iiwas sa kanyang libingan tayong mga taong ngayo'y nabubuhay? (Selah) Nasaan ang alab ng dating pag-ibig at tapat na sumpang ginawa kay David? Nasaan, O Diyos? Iyong ipabatid. Iyong nalalaman ang mga pasakit ng abâ mong lingkod, na pawang tiniis; ang mga pagkutya na kanyang sinapit sa kamay ng taong pawang malulupit. Ganito tinuya ng iyong kaaway ang piniling haring saan ma'y inuyam. Si Yahweh ay ating purihin magpakailanman!

Mga Awit 89:19-52 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, At iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan. Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis: Na siyang itatatag ng aking kamay; Palakasin naman siya ng aking bisig. Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; Ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan. At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, At sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya. Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; At sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay. Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, At ang kaniyang kanan ay sa mga ilog. Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. Akin namang gagawin siyang panganay ko, Na pinakamataas sa mga hari sa lupa. Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, At ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya. Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, At ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit. Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, At hindi ingatan ang mga utos ko; Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, At ng mga hampas ang kanilang kasamaan. Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, Ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang. Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi. Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David; Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; At ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko. Matatatag magpakailan man na parang buwan, At tapat na saksi sa langit. (Selah) Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, Ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis. Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: Iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa. Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: Iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan. Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit. Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway; Iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway. Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, At hindi mo itinayo siya sa pakikibaka. Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa. Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan: Iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah) Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy? Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: Sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao. Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, Na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah) Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, Na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat? Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; Kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan; Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, Na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis. Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa.