Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 8:4-6 - Compare All Versions

Mga Awit 8:4-6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala

Mga Awit 8:4-6 ASD (Ang Salita ng Diyos)

akoʼy napapatanong, “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?” Ginawa ninyong mas mababa kaysa sa mga anghel ang kanyang kalagayan. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay

Mga Awit 8:4-6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala

Mga Awit 8:4-6 TLAB (Ang Biblia)

Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa

Mga Awit 8:4-6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa