Mga Awit 8:1-9
Mga Awit 8:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit! Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway. Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala: mga tupa at kawan pati na ang mababangis, lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng nilikhang nasa karagatan. O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila!
Mga Awit 8:1-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
O PANGINOON, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan sa buong mundo ay matutunghayan, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. Kahit ang mga bata at sanggol sa inyoʼy nagpupuri; Kaya ang inyong mga kaaway ay napapahiya at tumatahimik. Kapag akoʼy tumitingala sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, akoʼy napapatanong, “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?” Ginawa ninyong mas mababa kaysa sa mga anghel ang kanyang kalagayan. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay: mga tupa, mga baka at lahat ng mga mababangis na hayop, ang mga ibon sa himpapawid, mga isda sa dagat at lahat ng lumalangoy doon. O PANGINOON, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan sa buong mundo ay natutunghayan.
Mga Awit 8:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat. Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
Mga Awit 8:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit! Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway. Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala: mga tupa at kawan pati na ang mababangis, lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng nilikhang nasa karagatan. O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila!
Mga Awit 8:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh Panginoon, aming Panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, Dahil sa iyong mga kaaway, Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat. Oh Panginoon, aming Panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!