Mga Awit 78:70-72
Mga Awit 78:70-72 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot, isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod. Ang alagang dati nito ay kawan ng mga hayop, nang maghari sa Israel, nanguna sa bayan ng Diyos. Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.
Mga Awit 78:70-72 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pinili ng Diyos si David na maging lingkod niya. Kinuha siya mula sa pagpapastol ng tupa at ginawang hari ng Israel, ang mga mamamayang kanyang hinirang. Katulad ng isang mabuting pastol, inalagaan niya ang mga Israelita nang may katapatan at mahusay silang pinamunuan.
Mga Awit 78:70-72 Ang Biblia (TLAB)
Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa: Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana. Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
Mga Awit 78:70-72 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot, isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod. Ang alagang dati nito ay kawan ng mga hayop, nang maghari sa Israel, nanguna sa bayan ng Diyos. Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.
Mga Awit 78:70-72 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa: Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana. Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.