Mga Awit 78:4-8
Mga Awit 78:4-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim, ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila. Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak. Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot. Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris, na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik; isang lahing di marunong magtiwala at magtiis, ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.
Mga Awit 78:4-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak; sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon ang kapangyarihan ng PANGINOON at ang mga kahanga-hanga niyang gawa. Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob; ginawa niya itong batas ng Israel. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak, upang itoʼy malaman din ng susunod na henerasyon at ituturo rin nila sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Diyos at hindi nila makakalimutan ang kanyang mga ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos. Hindi sila magiging katulad ng kanilang mga ninuno na matitigas ang ulo, suwail, hindi lubos ang pagtitiwala sa Diyos, at hindi tapat sa kanya.
Mga Awit 78:4-8 Ang Biblia (TLAB)
Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa. Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos: At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios
Mga Awit 78:4-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim, ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila. Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak. Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot. Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris, na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik; isang lahing di marunong magtiwala at magtiis, ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.
Mga Awit 78:4-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa. Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, At nagtakda ng kautusan sa Israel, Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos: At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios