Mga Awit 75:1-10
Mga Awit 75:1-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga. Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol. Itong mundong ito'y kahit na mayanig, maubos ang tao dito sa daigdig, ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah) “Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat. Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.” Hindi sa silangan, hindi sa kanluran, hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan. Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay. Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin. Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas. Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!
Mga Awit 75:1-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
O Diyos, nagpapasalamat kami sa inyo. Nagpapasalamat kami dahil malapit kayo sa amin. Ipinapahayag ng mga tao ang inyong mga kahanga-hangang gawa. Sinabi nʼyo O Diyos, “May itinakda akong panahon ng paghatol at hahatol ako nang walang kinikilingan.” Kapag yumanig ang mundo at ang mga taoʼy magkagulo sa takot, ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo. Sinasabi ko sa mga hambog, “Huwag kayong magyabang” at sa masasama, “Huwag ninyong ipagmalaki ang inyong kakayahan. Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki na kayo ay nanalo at magpakumbaba na kayo.” Dahil ang tagumpay ng taoʼy hindi nagmumula sa kung saan-saan, kundi sa Diyos lamang. Siya ang humahatol; kung sino ang ibababa at kung sino ang itataas. Dahil ang PANGINOON ang humahawak ng kopa na puno ng bumubulang matapang na alak. Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama hanggang sa huling patak. Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag ang tungkol sa Diyos ni Jacob, aawit ako ng mga papuri para sa kanya. Aalisin niya ang kakayahan ng masasama, ngunit dadagdagan niya ang kapangyarihan ng matutuwid.
Mga Awit 75:1-10 Ang Biblia (TLAB)
Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa. Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid. Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah) Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay: Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo. Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas. Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa. Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin. Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob. Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.
Mga Awit 75:1-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga. Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol. Itong mundong ito'y kahit na mayanig, maubos ang tao dito sa daigdig, ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah) “Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat. Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.” Hindi sa silangan, hindi sa kanluran, hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan. Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay. Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin. Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas. Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!
Mga Awit 75:1-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa. Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, Hahatol ako ng matuwid. Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: Aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah) Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay: Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; Huwag kang magsalitang may matigas na ulo. Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, O mula man sa timugan, ang pagkataas. Kundi ang Dios ay siyang hukom: Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa. Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin. Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob. Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; Nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.