Mga Awit 74:4-7 - Compare All Versions
Mga Awit 74:4-7 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang loob ng iyong templo'y hindi nila iginalang, sumisigaw na nagtayo ng kanilang diyus-diyosan. Ang lahat ng nasa loob na yari sa mga kahoy, magmula sa pintuan mo'y sinibak at pinalakol. Ang lahat ng inukitang mga kahoy sa paligid, pinalakol at dinurog ng kaaway na malupit. Ang iyong banal na santuwaryo ay kanilang sinigaan, nilapastangan nila't winasak ang templong banal.
Mga Awit 74:4-7 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sumigaw sila sa loob ng inyong Templo. Nagtaas pa sila roon ng mga bandila bilang simbolo ng kanilang tagumpay. Sinibak nila ang Templo na parang pumuputol ng punongkahoy sa gubat gamit ang palakol. Winasak nila ang mga inukit na mga kagamitan sa pamamagitan ng mga palakol. Nilapastangan at sinunog nila ang inyong tahanan.
Mga Awit 74:4-7 TLAB (Ang Biblia)
Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda. Sila'y tila mga tao na nangagtaas ng mga palakol sa mga kakahuyan. At ngayo'y lahat ng gawang inanyuan doon. Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok. Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario; kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
Mga Awit 74:4-7 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang loob ng iyong templo'y hindi nila iginalang, sumisigaw na nagtayo ng kanilang diyus-diyosan. Ang lahat ng nasa loob na yari sa mga kahoy, magmula sa pintuan mo'y sinibak at pinalakol. Ang lahat ng inukitang mga kahoy sa paligid, pinalakol at dinurog ng kaaway na malupit. Ang iyong banal na santuwaryo ay kanilang sinigaan, nilapastangan nila't winasak ang templong banal.
Mga Awit 74:4-7 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; Kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda. Sila'y tila mga tao na nangagtaas Ng mga palakol sa mga kakahuyan. At ngayo'y lahat ng gawang inanyuan doon. Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok. Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario; Kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.