Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 73:1-28

Mga Awit 73:1-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, sa lahat ng taong ang puso'y malinis. Ngunit ang sarili'y halos bumagsak, sa paghakbang ko'y muntik nang madulas! Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga, at sa biglang yaman ng mga masama. Ni hindi nagdanas ng anumang hirap, sila'y masisigla't katawa'y malakas. Di tulad ng ibang naghirap nang labis, di nila dinanas ang buhay na gipit. Ang pagmamalaki ay kinukuwintas, at ang dinaramit nila'y pandarahas. Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan, at masasama rin ang nasa isipan; mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila, ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang. Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw, labis kung mag-utos sa mga nilalang; kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos, anumang sabihi'y paniwalang lubos. Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman, walang malay yaong Kataas-taasan.” Ang mga masama'y ito ang kagaya, di na kinukulang ay naghahanap pa. Samantalang ako, malinis ang palad, hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap, sa tuwing umaga'y parusa ang gawad. Kung ang mga ito'y aking sasabihin, sa mga lingkod mo, ako'y magtataksil; kaya't sinikap kong ito'y saliksikin, mahirap-hirap mang ito'y unawain. Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas, na ang masasama ay mapapahamak; dinala mo sila sa dakong madulas, upang malubos na, kanilang pagbagsak; walang abug-abog sila ay nawasak, kakila-kilabot yaong naging wakas! Parang panaginip nang ako'y magising, pati anyo nila'y nalimutan na rin. Nang ang aking isip hindi mapalagay, at ang damdamin ko'y labis na nasaktan, di ko maunawa, para akong tanga, sa iyong harapa'y hayop ang kagaya. Gayon pa ma'y sinasamahan mo ako, sa aking paglakad ay inaakay mo. Ang mga payo mo'y umakay sa akin, marangal na ako'y iyong tatanggapin. Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan? Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan. Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay, at ang nagtataksil wawasaking tunay. Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.

Mga Awit 73:1-28 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Tunay na mabuti ang Diyos sa Israel, lalo na sa mga taong may malilinis na puso. Ngunit akoʼy muntik nang bumagsak; ang mga paa koʼy muntik nang madulas. Sapagkat kinainggitan ko ang mga mayayabang, nang nakita ko ang pag-unlad ng mga masasama. Hindi sila dumaranas ng pagdurusa; silaʼy malulusog at masisigla. Ang mga pagdurusang karaniwang nararanasan ng tao sa mundong ibabaw ay di nila naranasan. Hindi sila dumaranas ng hirap, di tulad ng kanilang kapwa. Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan. Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan, at ang laging iniisip ay paggawa ng masama. Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba. Mayayabang sila at nagbabantang mananakit. Nagsasalita sila ng masama laban sa Diyos at sa kanilang kapwa. Kaya ang mga mamamayan ng Diyos ay lumilingon sa kanila at pinaniniwalaan ang kanilang mga sinasabi. Sinasabi nila, “Paano malalaman ng Diyos? Walang alam ang Kataas-taasang Diyos.” Ganito ang buhay ng masasamâ: wala nang problema, yumayaman pa. Bakit ganoon? Wala bang kabuluhan ang malinis kong pamumuhay at paglayo sa kasalanan? Nagdurusa ako buong araw. Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan. Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila, para na rin akong nagtraydor sa inyong mga mamamayan. Kaya sinikap kong unawain ang mga bagay na ito, pero napakahirap. Ngunit nang pumunta ako sa inyong santuwaryo, doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama. Tunay na inilalagay nʼyo sila sa madulas na daan, at ibinabagsak sa kapahamakan. Bigla silang mapapahamak; mamamatay silang lahat at nakakatakot ang kanilang kahahantungan. Para silang isang panaginip na sa pagsapit ng umaga ay wala na, O Panginoon. Makakalimutan na sila kapag silaʼy pinarusahan nʼyo na. Nang nasaktan ang aking damdamin at nagtanim ako ng sama ng loob, para akong naging hayop sa inyong paningin, mangmang at hindi nakakaunawa. Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo at akoʼy inakay nʼyo. Ang inyong mga payo ang nagsisilbing gabay ko, at akoʼy dadalhin ninyo sa marangal na hantungan. Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang anuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo. Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Diyos, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman. Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak. Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat. Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Diyos. Kayo, O Makapangyarihang PANGINOON, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.

Mga Awit 73:1-28 Ang Biblia (TLAB)

Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas. Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag. Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan. Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso. Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan. Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa. Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila. At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan? Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala; Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga. Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak. Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin; Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas, Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan. Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan. Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan. Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako: Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo. Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan. Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.

Mga Awit 73:1-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, sa lahat ng taong ang puso'y malinis. Ngunit ang sarili'y halos bumagsak, sa paghakbang ko'y muntik nang madulas! Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga, at sa biglang yaman ng mga masama. Ni hindi nagdanas ng anumang hirap, sila'y masisigla't katawa'y malakas. Di tulad ng ibang naghirap nang labis, di nila dinanas ang buhay na gipit. Ang pagmamalaki ay kinukuwintas, at ang dinaramit nila'y pandarahas. Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan, at masasama rin ang nasa isipan; mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila, ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang. Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw, labis kung mag-utos sa mga nilalang; kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos, anumang sabihi'y paniwalang lubos. Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman, walang malay yaong Kataas-taasan.” Ang mga masama'y ito ang kagaya, di na kinukulang ay naghahanap pa. Samantalang ako, malinis ang palad, hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap, sa tuwing umaga'y parusa ang gawad. Kung ang mga ito'y aking sasabihin, sa mga lingkod mo, ako'y magtataksil; kaya't sinikap kong ito'y saliksikin, mahirap-hirap mang ito'y unawain. Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas, na ang masasama ay mapapahamak; dinala mo sila sa dakong madulas, upang malubos na, kanilang pagbagsak; walang abug-abog sila ay nawasak, kakila-kilabot yaong naging wakas! Parang panaginip nang ako'y magising, pati anyo nila'y nalimutan na rin. Nang ang aking isip hindi mapalagay, at ang damdamin ko'y labis na nasaktan, di ko maunawa, para akong tanga, sa iyong harapa'y hayop ang kagaya. Gayon pa ma'y sinasamahan mo ako, sa aking paglakad ay inaakay mo. Ang mga payo mo'y umakay sa akin, marangal na ako'y iyong tatanggapin. Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan? Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan. Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay, at ang nagtataksil wawasaking tunay. Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.

Mga Awit 73:1-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: Ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas. Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, Nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: Kundi ang kanilang kalakasan ay matatag. Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; Na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: Tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan. Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: Sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso. Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: Sila'y nangagsasalitang may kataasan. Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, At ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa. Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: At tubig ng punong saro ay nilalagok nila. At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan? Narito, ang mga ito ang masama; At palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, At hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala; Sapagka't buong araw ay nasalot ako, At naparusahan tuwing umaga. Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; Narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak. Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, Ay napakahirap sa ganang akin; Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, At aking nagunita ang kanilang huling wakas, Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: Iyong inilugmok sila sa kapahamakan. Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan. Ang panaginip sa pagkagising: Sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan. Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, At sa aking kalooban ay nasaktan ako: Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; Ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo. Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: Iyong inalalayan ang aking kanan. Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, At pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: Nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: Iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; Ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, Upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.