Mga Awit 69:1-12
Mga Awit 69:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Diyos! Iligtas mo, iahon sa tubig sa pagkalubog kong abot na sa leeg; lumulubog ako sa burak at putik, at sa malalaking along nagngangalit. Ako ay malat na sa aking pagtawag, ang lalamunan ko, damdam ko'y may sugat; pati ang mata ko'y di na maidilat, sa paghihintay ko sa iyong paglingap. Silang napopoot nang walang dahilan, higit na marami sa buhok kong taglay; mga sinungaling na nagpaparatang, ang hangad sa akin ako ay mapatay. Ang pag-aari kong di naman ninakaw, nais nilang kuni't dapat daw ibigay. Batid mo, O Diyos, naging baliw ako, ako'y nagkasala, di pa lingid sa iyo. Huwag mo pong tulutan na dahil sa akin, ang nagtitiwala sa iyo'y hiyain; Yahweh, Makapangyarihang Panginoon ng Israel! Huwag mo ring itulot, bigyang kahihiyan ang nagsisisamba sa iyong pangalan. Ako ay nilait nang dahil sa iyo, napahiyang lubos sa kabiguan ko. Sa mga kapatid parang ako'y iba, kasambahay ko na'y di pa ako kilala. Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban; ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan. Nagpapakumbabá akong nag-ayuno, at ako'y hinamak ng maraming tao; ang suot kong damit, na aking panluksa, ay pinagtawana't hinamak na lubha. Sa mga lansanga'y ako ang usapan, ang awit ng lasing sa aki'y pag-uyam.
Mga Awit 69:1-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
O Diyos, iligtas nʼyo ako sapagkat tulad ako ng isang taong malapit nang malunod. Tila lulubog na ako sa malalim na putik at walang matutuntungan. Para akong nasa laot at tinatabunan ng mga alon. Pagod na ako sa paghingi ng tulong at masakit na ang aking lalamunan. Dumidilim na ang paningin ko sa paghihintay ng tulong nʼyo, O Diyos. Marami ang napopoot sa akin, mas marami pa sila kaysa sa aking buhok. Gusto nila akong patayin nang walang dahilan. Pinipilit nilang isauli ang mga bagay na hindi ko naman ninakaw. O Diyos, alam nʼyo ang aking kahangalan; hindi lingid sa inyo ang aking mga kasalanan. O Panginoon, ang PANGINOON ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, huwag sanang malagay sa kahihiyan ang mga nagtitiwala at lumalapit sa inyo nang dahil sa akin. Dahil sa inyo, iniinsulto ako at inilalagay sa kahihiyan. Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko, parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan. Dahil sa labis-labis na pagmamalasakit ko sa inyong bahay, halos mapahamak na ako. Tuwing nilalait kayo ng mga tao, nasasaktan din ako. Kapag akoʼy umiiyak at nag-aayuno, tinitiis ko ang pagpapahiya sa akin. Kapag nakadamit ako ng sako bilang pagdadalamhati, ginagawa nila akong katatawanan. Pinagbubulung-bulungan din ako ng mga nakaupo sa pintuang-bayan. At ang mga lasing ay lumilikha ng awit ng pangungutya tungkol sa akin.
Mga Awit 69:1-12 Ang Biblia (TLAB)
Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos. Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios. Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha. Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo. Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel. Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha. Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina. Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin. Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin. Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila. Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango.
Mga Awit 69:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Diyos! Iligtas mo, iahon sa tubig sa pagkalubog kong abot na sa leeg; lumulubog ako sa burak at putik, at sa malalaking along nagngangalit. Ako ay malat na sa aking pagtawag, ang lalamunan ko, damdam ko'y may sugat; pati ang mata ko'y di na maidilat, sa paghihintay ko sa iyong paglingap. Silang napopoot nang walang dahilan, higit na marami sa buhok kong taglay; mga sinungaling na nagpaparatang, ang hangad sa akin ako ay mapatay. Ang pag-aari kong di naman ninakaw, nais nilang kuni't dapat daw ibigay. Batid mo, O Diyos, naging baliw ako, ako'y nagkasala, di pa lingid sa iyo. Huwag mo pong tulutan na dahil sa akin, ang nagtitiwala sa iyo'y hiyain; Yahweh, Makapangyarihang Panginoon ng Israel! Huwag mo ring itulot, bigyang kahihiyan ang nagsisisamba sa iyong pangalan. Ako ay nilait nang dahil sa iyo, napahiyang lubos sa kabiguan ko. Sa mga kapatid parang ako'y iba, kasambahay ko na'y di pa ako kilala. Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban; ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan. Nagpapakumbabá akong nag-ayuno, at ako'y hinamak ng maraming tao; ang suot kong damit, na aking panluksa, ay pinagtawana't hinamak na lubha. Sa mga lansanga'y ako ang usapan, ang awit ng lasing sa aki'y pag-uyam.
Mga Awit 69:1-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: Ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos. Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: Ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios. Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha. Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; At ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo. Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: Huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel. Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; Kahihiyan ay tumakip sa aking mukha. Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, At taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina. Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin. Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, Yao'y pagkaduwahagi sa akin. Nang magsuot ako ng kayong magaspang, Ay naging kawikaan ako sa kanila. Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; At ako ang awit ng mga lango.