Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 50:3-4 - Compare All Versions

Mga Awit 50:3-4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ang Diyos natin ay darating, ngunit hindi matahimik; sa unaha'y nangunguna ang apoy na nagngangalit, bumabagyong ubod-lakas, humahangin sa paligid. Ginagawa niyang saksi ang lupa at kalangitan, upang masdan ang ganitong paghatol sa mga hirang

Mga Awit 50:3-4 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Darating ang Diyos at hindi lang siya basta mananahimik. Sa unahan niyaʼy may apoy na nagngangalit, at may bagyong ubod ng lakas sa kanyang paligid. Tinawag niya ang buong langit at mundo upang sumaksi sa paghatol niya sa kanyang mga mamamayan.

Mga Awit 50:3-4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ang Diyos natin ay darating, ngunit hindi matahimik; sa unaha'y nangunguna ang apoy na nagngangalit, bumabagyong ubod-lakas, humahangin sa paligid. Ginagawa niyang saksi ang lupa at kalangitan, upang masdan ang ganitong paghatol sa mga hirang

Mga Awit 50:3-4 TLAB (Ang Biblia)

Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan

Mga Awit 50:3-4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; Isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, At magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. Siya'y tatawag sa langit sa itaas, At sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan