Mga Awit 49:1-9
Mga Awit 49:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bawat isa ay makinig, makinig ang sino pa man, kahit saan naroroon ay makinig ang nilalang! Kahit ikaw ay dakila o hamak ang iyong lagay, makinig na sama-sama ang mahirap at mayaman. Itong aking sasabihi'y salitang may karunungan, ang isipang ihahayag, mahalagang mga bagay; Ang pansin ko ay itutuon sa bugtong na kasabihan, sa saliw ng aking alpa'y ihahayag ko ang laman. Hindi ako natatakot sa panahon ng panganib, kahit pa nga naglipana ang kaaway sa paligid— mga taong naghahambog, sa yaman ay nananalig, dahilan sa yaman nila'y tumaas ang pag-iisip. Hindi kaya ng sinumang ang sarili ay matubos, hindi kayang mabayara't tubusin sa kamay ng Diyos. Ang bayad sa kanyang buhay ay halagang sakdal taas; gaano man ang halagang hawak niya'y hindi sapat upang siya ay mabuhay nang hindi na magwawakas at sa labi ng libingan ay hindi na mapasadlak.
Mga Awit 49:1-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Makinig kayo, lahat ng bansa, kayong lahat na nananahan dito sa mundo! Dakila ka man o aba, mayaman ka man o dukha, makinig ka, dahil magsasalita ako na puno ng karunungan, at puno rin ng pang-unawa ang aking kaisipan. Itutuon ko ang aking pansin sa mga kawikaan, at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito, habang tinutugtog ko ang alpa. Bakit ako matatakot kung may parating na panganib, o kung akoʼy mapaligiran ng aking mga kaaway? Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamanan at dahil dito ay nagmamayabang. Ngunit walang may kakayahang tubusin ang kanyang sarili mula sa kamatayan, kahit magbayad pa siya sa Diyos. Dahil napakamahal ang pagtubos sa isang buhay; hindi sapat ang anumang pambayad upang ang taoʼy mabuhay magpakailanman, at hindi na mamatay.
Mga Awit 49:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig: Ng mababa at gayon din ng mataas, ng mayaman at ng dukha na magkasama. Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa. Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga: ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa. Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan, pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong? Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan; Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya: (Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man:) Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.
Mga Awit 49:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bawat isa ay makinig, makinig ang sino pa man, kahit saan naroroon ay makinig ang nilalang! Kahit ikaw ay dakila o hamak ang iyong lagay, makinig na sama-sama ang mahirap at mayaman. Itong aking sasabihi'y salitang may karunungan, ang isipang ihahayag, mahalagang mga bagay; Ang pansin ko ay itutuon sa bugtong na kasabihan, sa saliw ng aking alpa'y ihahayag ko ang laman. Hindi ako natatakot sa panahon ng panganib, kahit pa nga naglipana ang kaaway sa paligid— mga taong naghahambog, sa yaman ay nananalig, dahilan sa yaman nila'y tumaas ang pag-iisip. Hindi kaya ng sinumang ang sarili ay matubos, hindi kayang mabayara't tubusin sa kamay ng Diyos. Ang bayad sa kanyang buhay ay halagang sakdal taas; gaano man ang halagang hawak niya'y hindi sapat upang siya ay mabuhay nang hindi na magwawakas at sa labi ng libingan ay hindi na mapasadlak.
Mga Awit 49:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; Pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig: Ng mababa at gayon din ng mataas, Ng mayaman at ng dukha na magkasama. Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; At ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa. Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga: Ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa. Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan, Pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong? Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, At nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan; Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, Ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya: (Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, At ito'y naglilikat magpakailan man:) Upang siya'y mabuhay na lagi, Upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.