Mga Awit 48:1-14
Mga Awit 48:1-14 Ang Biblia (TLAB)
Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari. Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan. Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama. Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas. Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis. Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah) Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo. Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran. Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan. Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon. Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi. Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.
Mga Awit 48:1-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Dakila ang PANGINOON na ating Diyos, at karapat-dapat na papurihan sa kanyang bayan, ang kanyang banal na bundok. Itoʼy mataas at maganda, at nagbibigay kagalakan sa buong mundo. Ang banal na bundok ng Zion ay ang bayan ng Makapangyarihang Hari. Ang Diyos ay nasa mga muog ng Jerusalem, at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem. Nagtipon-tipon ang mga hari upang sumalakay sa Jerusalem. Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan, nagulat, natakot at nagsitakas sila. Dahil sa takot, nanginig sila gaya ng babaeng nanganganak na namimilipit sa sakit. Winasak sila ng Diyos tulad ng mga barkong panglayag na sinisira ng hanging amihan. Noon, nabalitaan natin ang ginawa ng ating Diyos, pero ngayon, tayo mismo ang nakakita sa ginawa niya sa kanyang bayan. Siya ang PANGINOON ng Hukbo, at patatatagin niya ang kanyang bayan magpakailanman. Sa loob ng inyong Templo, O Diyos, iniisip namin ang pag-ibig nʼyong matapat. O Diyos, dakila ang pangalan nʼyo, at pinupuri kayo ng mga tao sa buong mundo. Ang kapangyarihan nʼyo ay laging makatarungan. Nagagalak ang mga mamamayan ng Zion, at ng mga bayan ng Juda, dahil sa inyong makatarungang paghatol. Mga mamamayan ng Diyos, libutin ninyo ang Zion at bilangin ninyo ang mga tore nito. Tingnan ninyong mabuti ang mga pader at ang mga tanggulan ng bayan na ito, upang masabi ninyo sa susunod na salinlahi, “Siya ang Diyos, ang Diyos natin magpakailanman. Siya ang gagabay sa atin habambuhay.”
Mga Awit 48:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal. Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod; bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob. Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman, sa loob ng muog ng banal na bayan. Itong mga hari ay nagtipun-tipon, upang sumalakay sa Bundok ng Zion. Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan, pawang nagsitakas at nahintakutan. Ang nakakatulad ng pangamba nila ay pagluluwal ng butihing ina. Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak. Ang naglalakihang barkong naglalayag. Sa banal na lunsod ay aming namasid ang kanyang ginawa na aming narinig; ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan, siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah) Sa loob ng iyong templo, aming Diyos, nagunita namin pag-ibig mong lubos. Ika'y pinupuri ng lahat saanman, sa buong daigdig ang dakila'y ikaw, at kung mamahala ay makatarungan. Kayong taga-Zion, dapat na magalak! At ang buong Juda'y magdiwang na lahat, dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak. Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin; ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin; upang sa susunod na lahi'y isaysay, na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, sa buong panahon siya ang patnubay.

Mga Awit 48:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mga Awit 48:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, Na bayan ng dakilang Hari. Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan. Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, Sila'y nagsidaang magkakasama. Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; Sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas. Panginginig ay humawak sa kanila roon; Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. Sa pamamagitan ng hanging silanganan Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis. Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita Sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah) Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, Sa gitna ng iyong templo. Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran. Matuwa ka bundok ng Sion, Magalak ang mga anak na babae ng Juda, Dahil sa iyong mga kahatulan. Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: Inyong saysayin ang mga moog niyaon. Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; Upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi. Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: Siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.