Mga Awit 41:7-10
Mga Awit 41:7-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang lahat ng namumuhi'y ang lagi nilang usapan, ako raw ay ubod sama, ang panabi sa bulungan. Ang sakit ko, sabi nila, ay wala nang kagamutan, hindi na makakabangon sa banig ng karamdaman. Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban. Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan; ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan.
Mga Awit 41:7-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang lahat ng galit sa akin ay masama ang iniisip tungkol sa akin, at pinagbubulung-bulungan nila ito. Sinasabi nila, “Malala na ang karamdaman niyan, kaya hindi na ʼyan makakatayo!” Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan na kasalo ko palagi sa pagkain at pinagkakatiwalaan, nagawa akong pagtaksilan! Ngunit kayo PANGINOON, akoʼy inyong kahabagan. Pagalingin nʼyo ako upang makaganti na ako sa aking mga kaaway.
Mga Awit 41:7-10 Ang Biblia (TLAB)
Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin: laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak. Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya; at ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa. Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, na kumain ng aking tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin. Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako, upang aking magantihan sila.
Mga Awit 41:7-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang lahat ng namumuhi'y ang lagi nilang usapan, ako raw ay ubod sama, ang panabi sa bulungan. Ang sakit ko, sabi nila, ay wala nang kagamutan, hindi na makakabangon sa banig ng karamdaman. Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban. Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan; ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan.
Mga Awit 41:7-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin: Laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak. Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya; At ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa. Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, Na kumain ng aking tinapay, Nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin. Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako, Upang aking magantihan sila.