Mga Awit 40:6-8
Mga Awit 40:6-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, handog na sinusunog at mga kaloob hindi mo naisin, upang sala'y iyong patawarin. Sa halip, ang iyong kaloob sa akin ay pandinig ko upang ika'y dinggin. Kaya ang tugon ko, “Ako'y naririto; nasa Kautusan ang mga turo mo. Ang nais kong sundi'y iyong kalooban; aking itatago sa puso ang aral.”
Mga Awit 40:6-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Hindi kayo nalulugod sa ibaʼt ibang klaseng handog. Hindi kayo humihingi ng handog na sinusunog at handog para sa kasalanan. Itoʼy inyong ipinaunawa sa aking isipan. Kaya sinabi ko, “Narito ako. Sa inyong Kasulatan ay nakasulat ang tungkol sa akin. O Diyos, nais kong sundin ang inyong kalooban. Ang inyong mga kautusan y iniingatan ko sa aking puso.”
Mga Awit 40:6-8 Ang Biblia (TLAB)
Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi. Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin: Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.
Mga Awit 40:6-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, handog na sinusunog at mga kaloob hindi mo naisin, upang sala'y iyong patawarin. Sa halip, ang iyong kaloob sa akin ay pandinig ko upang ika'y dinggin. Kaya ang tugon ko, “Ako'y naririto; nasa Kautusan ang mga turo mo. Ang nais kong sundi'y iyong kalooban; aking itatago sa puso ang aral.”
Mga Awit 40:6-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; Ang aking pakinig ay iyong binuksan: Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi. Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; Sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin: Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.