Mga Awit 37:7-9
Mga Awit 37:7-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila. Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka. Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.
Mga Awit 37:7-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pumanatag ka sa piling ng PANGINOON, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila. Huwag kang magagalit, pigilan mo ang iyong poot. Ni huwag kang mababalisa, dahil ito sa iyo ay makakasama. Ang masama ay ipagtatabuyan, ngunit ang nagtitiwala sa PANGINOON ay mananatili sa lupaing ito.
Mga Awit 37:7-9 Ang Biblia (TLAB)
Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha. Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain.
Mga Awit 37:7-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila. Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka. Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.
Mga Awit 37:7-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha. Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain.