Mga Awit 24:3-5
Mga Awit 24:3-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon? Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon? Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan; at hindi sumusumpa ng kasinungalingan. Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan.
Mga Awit 24:3-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng PANGINOON? At sino ang maaaring tumuntong sa kanyang banal na lugar? Makatutuntong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan. Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng PANGINOON, ang Diyos na kanyang Tagapagligtas.
Mga Awit 24:3-5 Ang Biblia (TLAB)
Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, at hindi sumumpa na may kabulaanan. Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan.
Mga Awit 24:3-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon? Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon? Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan; at hindi sumusumpa ng kasinungalingan. Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan.
Mga Awit 24:3-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; Na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, At hindi sumumpa na may kabulaanan. Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, At ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan.