Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 2:11-12 - Compare All Versions

Mga Awit 2:11-12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.

Mga Awit 2:11-12 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Paglingkuran ninyo ang PANGINOON nang may takot, at magalak kayo sa kanya. Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang, kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya. Mapalad ang mga nanganganlong sa PANGINOON.

Mga Awit 2:11-12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.

Mga Awit 2:11-12 TLAB (Ang Biblia)

Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Mga Awit 2:11-12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, At mangagalak na may panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.