Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 19:1-2 - Compare All Versions

Mga Awit 19:1-2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

Mga Awit 19:1-2 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ipinapakita ng kalangitan ang kaluwalhatian ng Diyos! Inihahayag ng kalawakan ang gawa ng kanyang mga kamay. Araw-araw, sinasabi ng kalangitan ang tungkol dito, gabi-gabi, ipinaaalam ng kalawakan ang tungkol sa kanyang kapangyarihan.

Mga Awit 19:1-2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

Mga Awit 19:1-2 TLAB (Ang Biblia)

Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.

Mga Awit 19:1-2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.